Fay's point of view Dinilat ko ang mata ko ng matamaan iyon ng sinag ng araw. Pagmulat ng mata ko ay hindi pamilyar na kwarto ang nakita ko. Naalala ko ang nangyari kagabi kaya napatingin ako sa katawan ko na mayroong takip na kumot. Kinakabahan kong tinignan iyon at nanlaki ang mata ko ng wala akong suot. Tumingin ako sa katabi ay… “Wahhh! L-lalaki!” sigaw ko ng makita ko si Axton sa tabi ko. Napabangon ako sa hinihigaan ko habang nakatakip ang kumot sa akin. Gulat naman na napabangon si Axton sa ingay ko. Taka n'ya akong tinignan na gulo-gulo pa ang buhok nito at halatang inaantok pa. “H-hindi panaginip ang lahat?” taka kong tanong kay Axton. Tinignan n'ya ako na parang tinatanong kung okay lang ba ako sabay muling humiga. Lumapit ako kay Axton at kinuha ang kamay nito. Tinaas

