Fay's point of view Tinignan ko ang babaeng nagluluto sa kusina ni Axton. Hindi ko s'ya kilala, pero ngayon ko lang s'ya nakita. Hindi ko rin alam na mayroong umampon kay Hans. Abala s'ya sa ginagawa n'ya sa pagluluto ng menudo. Maganda ang babae at halata sa tindig n'ya ang isang mahinhin na babae; kagalang-galang. Palagi s'yang nakangiti at sobrang amo ng mukha, hindi kamukha ni Axton na laging seryoso ang kaniyang mukha. Pero si Hans, palagi din s'yang nakangiti dati at sobrang sweet na tao. "Paborito ni Axton ang menudo kaya sa tuwing uuwi s'ya sa bahay namin ay hindi na wawala ang putahe na ito," sabi ni... hindi ko pa pala alam ang pangalan n'ya. Nagulat na lang ako at bigla s'yang pumasok sa bahay at hinahanap si Axton. "Paborito po ni Hans dati ay adobo," sagot ko. Bigla

