Fay's point of view “Bitawan mo ako!” sigaw ko kay Axton habang hinihila ako kung saan. Hinahampas ko ang kamay n'ya para pakawalan ako dahil sobrang higpit ng pagkakakapit n'ya sa akin. Patuloy lang kami sa paglalakad. Ngayon ay nasa hallway na kami papunta sa likodan ito dahil nawawala na ang mga tao. Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko si Kim na sumusunod. “Kim!” sigaw ko. Seryoso lang itong nakatingin sa akin habang nagpupumiglas ako kay Axton. Pagdating namin sa dulo ay mayroong pinto doon. Nagulat ko ng malakas na sinipa ni Axton ang pinto para bumukas sabay tingin ng masama sa akin. Hinawakan ko ang kamay n'ya na mahigpit na nakahawak sa akin. Ayokong tumingin kay Axton dahil pakiramdam ko sasaktan n'ya ako. “Ahh!” daing ko ng muli n'ya akong hinila palabas. Dina

