Weeny's point of view Tahimik kaming kumakain ngayon ng dinner sa mansyon namin. Napatingin ako kay Wilson na kanina pa tahimik dahil bida-bida ang kapatid ko na iyan pagdating sa kahit saan. "Wilson!" tawag ni Papa kay Wilson. Walang gana kong tinignan ang kapatid ko, pero napakunot ang noo ko sa kan'ya na parang balisa ito. "Bakit gan'yan ang itsura mo?" tanong ko kay Wilson. Tumingin s'ya sa akin. Kunot-noo n'ya akong tinignan kaya tinaasan ko s'ya ng kilay. "Walang problema sa itsura ko," sagot ni Wilson sa akin. Sumubo ito ng pagkain bago tumingin kay Papa. "Pa, seryoso ka bang payag kang maging boyfriend ng ungas na iyon si Ate?" tanong ni Wilson kay Papa. Sinamaan ko ng tingin si Wilson ng tawagin n'yang ungas si Axton. Mas'yadong gwapo si Axton, manly, maganda ang

