CHAPTER 07

2023 Words
Fay's point of view BUSY akong nakaharap sa computer ng tumunog ang phone ko. Kinuho iyon para tignan kung sino ang nag-text. "I'll pick you up at seven," texted sa akin ni Wilson. Tinignan ko ang oras sa phone ko na malapit ng mag-six. Six thirty ang off ko kaya mag-hihintay pa ako ng thirty minutes para kay Wilson. "Okay," replied ko kay Wilson bago ko binaba ang phone ko. Pinagpatuloy ko ang trabaho dito hanggang sa mag-off na ang mga kasamahan ko. "Mag-o-overtime ka ba?" tanong sa akin ni Mae na inaayos na ang table n'ya. "Hindi, mayroon lang akong hinihintay," sagot ko kay Mae habang ang tingin ay nasa computer. "Sino?" tanong nito habang mayroong nakakalokong ngiti sa labi n'ya. "Basta," sagot ko sa kan'ya. Natawa ako dahil sa babaeng ito. Tinignan n'ya ako na para bang mayroong akong tinatago sa kan'ya. "Manliligaw mo?" tanong n'ya pa sa akin. "Alam mo umuwi ka na," taboy ko kay Mae dahil nakakagulo na ito sa trabaho ko. "Ipakilala mo naman sa akin kung sino," biro pa ni Mae sa akin. "Walang nangliligaw sa akin," sagot ko sa kan'ya, pero nginisihan n'ya lang ako na hindi ito naniniwala na wala. "Ingat kayo sa date n'yo," paalam sa akin ni Mae bago ito umalis. Umiling na lang ako kay Mae dahil sa kakulitan nito. Wala akong gusto kay Wilson. Hindi ko rin pinapaasa si Wilson sa una palang ay sinabi ko na sa kan'ya na hanggang magkaibigan lang kami. Ilang minuto ang lumipas ay napagdesisyonan ko ng bumaba. Ayoko naman maiwan mag-isa na sa office sa kotse na lang ako maghihintay kay Wilson. Pagdating ko sa loob ng kotse ay umupo ako sa driver seat para magpahinga muna. Kukuhanin ko ang phone ko ng mapatingin ako sa lalaking bumaba ng kotse. Iba na ang kotse nito, kulay puti na iyon. Agad akong bumaba para puntahan s'ya. "Hans!" tawag ko sa lalaki. Tinignan ko ang kamay n'ya kung suot nito ang bracelet na binigay ko sa kan'ya. Naka-maroon long sleeve ito kaya hindi ko makita kung suot n'ya. Hahabulin ko sana si Hans ng biglang lumitaw si Weeny. Napahinto ako sa paglalakad ng makitang salubungin ni Hans si Weeny. Napaatras ako ng bigla na lang s'yang lagpasan ni Weeny. Humarap si Hans sa akin at nagtinginan kami, pero saglit lang ang binigay n'ya sa akin na tingin bago habulin si Weeny. "Let's have a dinner," aya ni Hans kay Weeny. "Mayroon ka bang problema?" iritang tanong ni Weeny sa akin ng tumapat s'ya sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya. "Wala, Weeny," sagot ko dito. "Anong sabi mo?!" galit nitong tanong sa akin. Bigla akong nag-bow kay Weeny ng mapagtanto kong sinabi ko. "Pasyensya na po, Manager," sabi ko kay Weeny. Hindi ko namalayan na Weeny ang natawag ko sa kan'ya. Nalito na rin ako dahil sa lalaking kaharap ko. "Emplyado mo pala s'ya," sabi ni Hans. Napaangat ng tingin ko kay Hans ng malamig na boses ang binitawan n'ya. Seryoso s'yang nakatingin sa akin at si Weeny naman ay masama ang tingin sa akin. "Why? Do you know each other?" tanong ni Weeny kay Hans. "S'ya si Hans," sagot ko. Tinignan ko si Hans na wala man lang nagbago sa itsura nito, pero si Weeny ay halatang nagulat sa sinabi ko. Tinignan n'ya si Hans. Alam kong malaki ang pinagbago ng itsura ni Hans, pero alam kong s'ya iyon. "Hans?" tanong ni Weeny sa akin. Tumango ako sa kan'ya. Nagtaka ako ng biglang tumawa si Weeny at muli akong tinignan na para bang hindi s'ya makapaniwala sa sinabi ko. "Hanggang ngayon ay umaasa ka pa rin na buhay ang basura na iyon?" tanong sa akin ni Weeny. "Buhay s'ya," seryoso kong sagot kay Weeny. "Matagal na s'yang patay, kaya tigilan mo na ang pagpapantasya mo!" inis na sabi sa akin ni Weeny. "Kinukumpara mo sa akin ang basurang Hans na iyon?" sabat naman ni Hans. Nilipat ko ang tingin ko sa kan'ya. Tinignan ko ang kanang kamay n'ya. Tumakbo ako para kuhanin ang kanang kamay n'ya para ipakita kay Weeny ang suot nitong bracelet na binigay ko. "Anong ginagawa mo?!" sigaw ni Weeny. Hindi ko nagawang kuhanin ang kamay ni Hans dahil bigla n'ya akong tinulak palayo sa akin. Balak ko pa sanang lapitan si Hans dahil gusto kong makasigurado na ako ang nagbigay ng bracelet na iyon. Hindi ko natuloy ang paglapit ng bigla akong sampalin ni Weeny. Natigilan ako dahil sa ginawa n'ya. Hindi ako makapaniwala na tinignan si Weeny sa ginawa n'ya sa akin. "Nagpapanggap ka na magkakilala tayo para hindi mo bayaran ang damage na ginawa mo sa kotse ko," seryosong sabi sa akin ni Hans. "Hindi ako nagpapanggap, alam kong ikaw si Hans dahil sa bracel—" "Tumigil ka na kung hindi tatanggalin kita sa trabaho!" galit na sigaw ni Weeny sa akin. "Patay na si Hans dahil wala s'yang kwenta kaya s'ya tumalon sa ilog, itatakmo sa isip mo na hindi na kayo magkikita ng basura mong kaibigan!" sigaw sa akin ni Weeny. "Hindi s'ya basura," mahinahon kong sabi kay Weeny. "At hindi rin s'ya patay," dagdag ko. Kung patay na si Hans bakit walang katawan ang natagpuan sa ilog. Tumulo ang luha ko na pinunasan ko agad. Tinignan ko ang lalaki na seryoso lang akong tinignan. "Tara na, Axton, wag na nating aksayahin ang oras dahil sa babaeng iyan," aya ni Weeny kay Axton. Tinalikuran nila ako bago sila maglakad papunta sa kotse. Naramdaman ko ulit ang pagtulo ng luha ko kaya agad ko iyong pinunasan iyon gamit ang kamay ko. Nakatingin sa akin si Axton bago ito pinaandar ang kotse n'ya paalis ng parking lot. "Fay!" tawag sa pangalan ko. Alam kong boses iyon ni Wilson kay inayos ko ang sarili ko para hindi n'ya makita na umiyak ako. Humarap ako sa kan'ya. Nakita kong nakaparada sa gitna ng parking lot ang kotse n'ya na nakabukas pa ang pinto doon.  Naglakad ako palapit kay Wilson. Kumunot ang noo n'ya ng makita n'ya ako. "Anong nangyari sa pisnge mo?" tanong n'ya sa akin. "Wala, medyo mainit kasi ngayon kaya siguro namumula ang mukha ko," sagot kay Wilson. "Tara na," aya sa akin ni Wilson. "Paano 'yung kotse ko?" tanong ko kay Wilson. "Bukas mo na kuhanin," sagot ni Wilson. Hindi pwedeng bukas. Wala akong masasakyan papasok ng trabaho bukas. "Magdalawang car na lang tayo, susunod na lang ako sayo," sabi ko kay Wilson. Tumalikod ako kay Wilson kahit na hindi pa ito sumasagot. Pagkasakay ko sa kotse ay sumunod na ako kay Wilson. Hindi naman kalayuan ang pinuntahan namin malapit pang din dito sa building nila. Pagdating namin ay sabay kaming pumasok sa loob. Sa isang mamahaling restaurant kami nagpunta ni Wilson. "Gusto mo ba solo lang nating ang room?" tanong sa akin ni Wilson. Napatingin ako sa kamay ni Wilson ng bumulupot iyon sa bewang ko. Tinignan ko naman si Wilson na nakangiti sa akin. "Ayos na sa akin dito," sagot ko sa kan'ya. Umupo kamo sa tabi ng glass wall. Pinaghila n'ya pa ako ng upuan bago ako umupo. "Salamat," sabi ko kay Wilson. Mayroong dumating waiter sa amin para ibigay ang menu. Pagkaalis pagkahawak ko sa menu ay tinignan ko si Wilson kung ano ang kakainin n'ya at iyon na lang din sa akin, pero kumunot ang noo ko ng makita si Axton sa likuran ni Wilson at doon ang table n'ya. Tinignan ko si Weeny kung nandoon, pero wala na ito doon. Nakatingin s'ya sa akin kaya umiwas ako ng tingin sa kan'ya. "Anong gusto mo?" tanong sa akin ni Wilson. "Kung ano na lang sayo, iyon na lang akin," nakangiti kong sagot kay Wilson. Muli kong tinignan si Axton na tinaas n'ya ang glass wine sa akin bago n'ya iyon ininuman. Anong ginagawa n'ya dito. "Sino ba ang tinitignan mo?" tanong sa akin ni Wilson. "Wala naman, nagandahan lang kasi ako sa halaman sa likuran mo. Gusto kong ibili si Mama," sagot ko kay Wilson. Tinignan iyon ni Wilson. Nalipat ulit ang tingin ko kay Axton na seryoso na naman ang mukha nito. Dumating ang order namin. Tahimik lang namin iyong kinain at wala rin naman kaming mapag-usapan ngayon. Nagulat ako ng hawakan n'ya ang kamay ko kaya agad kong iniwas iyon. "Tapos na ako," sabi ko kay Wilson na nakatingin sa kamay n'yang iniwasan ko. Tumango ito sabay ngisi at tinignan ako. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya. Kukuhanin ko ang bag ko para bayaran ang kinain. "Ako na," sabi ni Wilson sa akin. "Hindi, nakakahiya naman say—" "Ako na," seryoso n'yang sabi sa akin kaya natigilan ako. Tumayo si Wilson para bayaran ang kinain namin. Muli kong tinignan si Axton na seryoso pa rin ang tingin sa akin. Dahil sa ginagawa n'yang titig ay naiilang ako. Muli nitong kinuha ang wine glass na mayroong laman ng white wine. Pagkainom n'ya noon ay konting bumaba ang sleeve nito kaya nakita ko ang suot n'yang bracelet. Tama ako. Iyon nga ang bracelet ko na binigay kay Hans. Tatayo na dapat ako para lapitan si Axton. Gusto kong malaman kung saan n'ya nakuha ang bracelet na iyon. "Let's go," aya ni Wilson na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Tinignan ko si Axton na biglang tumayo at naglakad na ito palabas ng restaurant. Sinundan ko s'ya ng tingin. "Mauuna na ako, Wilson, magkita na lang tayo ulit," paalam ko kay Wilson sabay takbo palabas ng restaurant. "Fay!" sigaw ni Wilson sa akin, pero hindi ko iyon pinansin. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Axton hanggang sa makita ko s'yang sumakay sa puting kotse n'ya. "Hans!" sigaw ko. Muli n'yang pinatakbo ang kotse ng mabilis kaya agad akong tumakbo papunta sa kotse ko at sinundan ang kotse ni Axton. Mabilis na pinatakbo ni Axton ang kotse n'ya, pero hindi ko s'ya hinahayaan na maalis sa paningin ko. Biglang huminto ang kotse ni Axton sa isang liblib na lugar. Hindi ito umaandar. Nakita ko s'yang bumaba kaya bumaba na rin ako sa kotse. Tumakbo ako papalapit sa kan'ya at ang mata ko ay nakatingin lang sa kamay n'ya. Seryoso s'yang nakatingin sa akin. "Patingin ako ng kamay mo," sabi ko sa kan'ya. Aabutin ko na sana ang kamay n'ya ng iniwas n'ya iyon. "Mayroon ka bang gusto sa akin?" tanong n'ya pa sa akin. "Patingin ako ng kamay mo!" sigaw ko sa kan'ya. Bigla itong ngumisi sa akin. Bigla n'yang kinuha ang braso ko at nilapit n'ya ako sa kan'ya. "Ahh!" daing ko ng nasasaktan ako sa pagkakahawak n'ya. "Ilang beses ko bang sinasabi sayo na hindi ako ang Hans na sinasabi mo," seryoso n'yang sabi sa akin sabay tinulak ako dahilan para matumba ako sa kalsada. "Kung hindi ikaw si Hans, saan mo nakuha ang bracelet na suot mo?!" tanong ko sa kan'ya. "Bigay ito ng Mama ko kaya tumigil ka na kung ayaw mong sabihin ko kay Weeny ang ginagawa mo," banta n'ya sa akin. Tumayo ako sa pagkakaupo at seryoso ko s'yang tinignan. "Sasabihin ko kay Weeny na ikaw si Hans," banta ko rin sa kan'ya. Bigla itong tumawa ng malakas. Naglakad s'ya palapit sa akin kaya napapatras ako sa paglapit n'ya sa akin. Napasandal ako sa kotse ko kaya wala na akong tatakasan pa. Dadaan sana ako sa gilid, pero hinarang ni Axton ang magkabila n'yang kamay sa akin at kinulong ako. Napahiga na ako sa unahan ng kotse ko, pero si Axton ay hindi pa rin tumitigil sa paglapit sa akon. "Paano ka paniniwalaan ni Weeny, pagkakasabi palang n'ya kanina. Ang hinahanap mong lalaki ay isang basura at higit sa lahat ay patay na," sabi n'ya sa akin ng malapitan. Naamoy ko ang amoy alcohol nitong hininga kaya tinulak ko s'ya ng buong lakas ko. Balak ko s'yang sampalin dahil sa binitawan nitong salita kay Hans, pero hinawakan n'ya ang kamay ko para pigilan iyon. Muli n'ya akong tinulak at masamang tinignan. "Next week, pag hindi mo pa nabigay ang fifty thousand ay kausapin mo na lang ang abugado ko," seryoso n'yang sabi sa akin. Tumalikod s'ya at nagsimulang maglakad. "Hindi basura si Hans, isa s'ya sa pinakamahalagang tao!" sigaw ko sa lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD