Fay's point of view “Bagay sayo ito,” sabi ni Kim sa akin. Itinapat n'ya sa akin ang isang fitted dress na kulay black na sobrang ikli. Kinuha ko iyon at para tignan ang presyo. Nanlaki ang mata ko sa halaga kaya binalik ko iyon. “Hindi bagay sa akin iyan,” sagot ko kay Kim. Sobrang mahal ng fifteen thousand sa kapirasong damit. Hinawakan ko ang kamay ni Kim. “Baka doon mayroon mura,” aya ko kay Kim. Pero hinila n'ya ang kamay n'ya sa akin kaya tinignan ko ito. Muling binalikan ni Kim ang damit na iyon. “Excuse me, I take this one,” sabi ni Kim. Umiling ako kay Kim. Humarap ito na nakangiti sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi panuorin ang saleslady na ilagay sa paper bag ang damit. “Hindi ko kayang bayaran iyon,” sabi ko kay Kim. Wala pa akong trabaho kaya hindi k

