Fay's point of view Naglakad ako palapit kay Axton para yakapin dahil sobrang saya ko na okay na s'ya kahit na pura sugat pa ang katawan n'ya. "W-weeny!" Kusang huminto ang paa ko, nawala ang ngiti sa labi ko at ang kamay kong handa nang yakapin si Axton ay kusang bumaba. "What?!" rinig kong sabi ni Kim. Biglang tumahimik ang lugar na tanging si Axton lang ang nakikita ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig na ang taong matagal kong hinintay ay lumagpas sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa patuloy na pagpatak ng luha ko, ang kamay ko ay napahawak sa suot kong damit. Dahan-dahan akong lumingon sa pinuntahan ni Axton, lalong bumuhos ang luha ko ng makita na kayakap ni Axton si Weeny. Gusto kong magsalita, pero kahit anong gawin ko ay ayaw kumilos ng bibig ko para

