Kim's point of view "Kim, huminahon ka nga," awat sa akin ni Nolie, pero hindi ko ito pinansin at patuloy akong naglalakad papunta sa office ni Axton. Tang-inang babaeng iyon para tawagin akong hampaslupa. 'Di hamak naman na masmaganda ako sa kan'ya. "Kung sinabi lang ni Axton na gulpihin ko ang babaeng iyon sana wala na s'yang problema!" inis kong sabi kay Nolie na pinipigilan ako sa pag punta sa office ni Axton. Pagdating ko doon ay nakita kong nakaupo s'ya sa swivel chair at mayroong itong hawak na litrato. Walang emosyon s'yang tumingin sa amin kaya diretso ko s'yang tinignan. "What's wrong?" walang gana nitong tanong sa akin. "Kim," tawag sa akin ni Nolie. "Kakalbuhin ko iyan Weeny na iyan," inis kong sabi kay Axton. Isang smirked ang binigay n'ya sa akin sabay tingin s

