Wilson's point of view “Wag kayong magpapahuli kahit kanino,” seryoso kong sabi sa mga tauhan ni Mark. “Wag kang mag-alala, Boss, isang babae lang ang pinapakuha mo baka hindi pa kami pagpawisan,” nakangiting sabi ng isang tauhan ni Mark. “Wag ka ngang mas'yadong kabado, Wilson, mapapasayo na si Fay mamaya lang,” sabi ni Mark sa akin. Naglakad ako palapit kay Mark dito sa sala namin na nakaupo pa ito sa sofa na akala mo ay s'ya ang may-ari ng bahay na ito. “Hindi ako kinakabahan,” sabi ko kay Mark sabay tingin mga tauhan n'yang mukhang walang alam na gawin kung hindi kapalpakan. “Duda ako sa mga tauhan mo na iyan,” seryoso kong sabi kay Mark. Tumayo si Mark at inakbayan ako. “Wag kang mag-alala, ganiyan lang ang mga itsura n'yan, pero malinis magtrabaho ang mga iyan,” paliwanag

