Kim's point of view Nagpalit ako ng damit, pants and t-shirt dahil masakit pa ang mga gasgas ko sa katawan, pero okay lang. Maganda pa rin naman ako. Inayos ko ang buhok ko habang si Fay ay natutulog pa rin. Mag gagabi na kaya kailangan ko ng puntahan si Axton kahit nandoon pa si Weeny. Hindi ko pa nakikita si Weeny gusto ko ng sampalin sa magaspang n'yang mukha. Naglagay ako ng lipstick sa labi ko para pang-akit kay Nolie, ayokong mukhang namumulat sa paningin ni Nolie ko. Napatingin ako sa reflection ng salamin na hawak ko ng marinig ko ang malangitngit ng pinto ng kwarto ko sa hospital. Automatic na ngumiti ang labi ko ng makita ko ang lalaking pinakagwapo sa lahat, dati si Axton ang pinakagwapo sa akin, ngayon ko lang napansin na masgwapo pala si Nolie. Sana dati ko pa na kita a

