SAMA-SAMA kaming magkakabanda sa iisang SUV kasama ang personal assistants namin para makapag-relax din. I also called Yana, Dencel, mom and dad to join us pero nasa kanya-kanyang mga sasakyan sila. One week lang kasi ang itatagal namin dito sa Pilipinas kaya sinusulit na. Ilang araw na lang pero hindi ko pa napagdedesisyunan ang plano sa buhay. I mean, ‛yung naiwan ko rito. Ipagpapatuloy ko ba ang career o lalagay na sa tahimik? Kung papalarin ako ng tadhana. Hindi pa kami nagkaka-ayos ng naiwan ko rito at mukhang malabo pang mangyari dahil nga, may girlfriend na siya. I don't know if I'm doing right. Ang gusto ko lang, makasama ulit si Allen. Pero hindi ko naman siya pipiliting ibalik ang kung ano mang meron kami noon kung ayaw na niya talaga. Saka isa pa, mukhang masaya n

