Twenty Sixth Teardrop

3820 Words

Allen Madrigal's  "AL, TAMA na ‛yan!" puna ng kasama kong si Clifford sa ‛kin at kinuha ang basong sinalinan ko ng alak.  Sinamaan ko siya ng tingin at marahas na binawi ang in-order kong rum. "T*ngina, Cliff! ‛Wag mo ‛kong pigilan!" sagot ko bago nilagok ang laman nito.  Dumaan ang pait at mainit na likido sa ‛king lalamunan. Nakapikit kong binaba ang hawak sa ibabaw ng counter kung saan ako nakaharap habang nakaupo sa high chair.  Linggo na ngayon pero hindi pa rin sinipot ni Trixie ang tree house na binili ko para sa amin. Hindi naman ako tanga ‛e. Ilang araw ng walang tao sa katapat naming bahay matapos ang araw na nagkaalitan na naman kami ng daddy niya. Nagtanong din ako sa kaibigan niyang si Alyana at ang sabi, hindi na pumapasok ang kaibigan. Hindi rin nito alam ang nangyayari.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD