IGINUGOL ko ang oras sa pag-aaral matapos ang pangyayari sa gabing 'yon. Ilang gabi at araw kaming hindi nagkaka-usap ni Kuya Allen. Funny. I'm still calling him Kuya after all the years of having feelings for him.
“Wrong choice of equation, Miss Tañez." tinig ni Sir Harry na itinuturo ang smart board na may lesson about mathematics. Natawa ang lahat sa sinabi nito.
Hindi naman talaga si Sir Harry ang pinagtatawanan dito. Kung hindi ang kaklase at kaibigan ko ring si Alyana Tañez. Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa kanya. Puro kasi t****k inaatupag. O baka lutang na naman dahil sa kagwapuhan ng instructor namin?
Kung sa bagay, puro si Kuya Allen din inaatupag ko e. Napairap ako nang naisip 'yon.
“S-Sorry, sir," nahihiyang tugon niya nanakayuko.
Medyo nakaramdam ako ng awa sa kaibigan dahil kahit papaano ay may pinagsamahan kami at napahiya siya ngayon sa harap ng crush niya. Walang iba kung hindi ang nagpahiya rin sa kanya— ang mathematics major na si Sir Harry.
Kakaibang twist 'to ng buhay niya.
Tumingin siya sa gawi ko.
“I got your back," I mouthed, for her to feel that I'm here.
Tumango lang siya at pinaupo na rin ni sir. Ilang minuto pang discussion ang nangyari. Nang matapos ang klase ay nagmamadaling
tumungo si Yana sa direksyon ko at umupo sa katapat na upuan. Ibinalibag niya ang sariling gamit sa arm chair at sumimangot.
“Now, I hate him, Trix! Paano niya nagagawa sa akin 'yon? Dahil ba... dahil ba nag-confess ako sa kanya tapos hindi niya nagustuhan 'yon? I didn't force him to like me back naman!" sunud-sunod niyang reklamo na ikinataas ko ng kilay.
Huminga ako nang malalim.
“Ya know, Yana, ayos lang 'yan. Aral-aral din kasi kapag may time. Gosh, girl! Ano na naman ba kasing inatupag mo? Pinaalalahanan na kita, ‘di ba?" anas ko naman.
Sumasakit ang ulo ko sa babaeng 'to eh! Mabuti at kaming dalawa lang ang tao sa malawak na room na 'to. Dahil baka pagtawanan na naman siya ng mga kaklase namin. Lagi siyang napapahiya e.
“Eh kasi naman girl, hindi ko forte ito. I'm into modeling and. . . arts," nahihirapang pagkasabi niya sabay hawi nang maarte sa buhok.
I just stared at her blankly and roamed my eyes at the whole room. Empty, but it screams elegance. From the four fluorescent lamps on the ceiling, white paint, a high-tech smart board, glass doors and windows from the opposite sides of the room.
Agaran akong pumunta sa bintana kung saan tanaw ang katabi naming eskwelahan. College students ng Infinite Academy.
Naglalakihang buildings ang naroon at iilang covered courts. Minamatyagan ko ang mga college students na naglalakad doon at naaabot ng mga mata ko.
Nilalakihan ko ang mga mata para sana hanapin siya. Hindi naman ako mahihirapan dahil alam ko ang bawat detalye sa kanya. Sa pangangatawan, lakad, ayos, lahat-lahat.
Mula kasi sa bintanang ito ay kita ang buong school sa kabila dahil fifth floor ito ng building ng high school malapit sa kanila. Minsan ay narito ako upang abangan siya. Malabong makita niya ako rito dahil may mga puno ng mahogany ang nagtatakip sa view nila sa ibaba. I know, ‛cause I've been there a lot of times.
“Huy!" Gulat ako nang hinampas ako sa braso ni Yana. “Tumitingin ka na naman diyan. Akala ko ba titigilan mo na?"
Iyon din ang akala ko. But here I am, watching him from afar just to see him because I missed him so much. I missed his presence and our late night talks on the phone. All about him.
"Gusto ko lang malaman kung ayos lang ba siya," sagot ko na hindi tumitingin sa katabing nagmamasid na rin ayon sa gilid ng mga mata ko.
"I think it's the main reason why we ended up being best friends." Tumingin ako sa gawi niya. "We're stalkers and chasing for the men who can't even pay attention to us. Who can't... love or like us back."
I shrugged. "I guess, kapalaran na natin ‛to. I'm just enjoying being a stupid kid because for sure, when I step in college, I won't chase him. Unless, he confesses his feelings for me. I'll get back from being stupid and fight for him. Sagarin na ang pagiging tanga. But Yana..."
"Hmm?"
"Don't be stupid when it comes to studies. Ayon na lang ang kaya nating ipagmalaki na hindi tayo naging tanga. Kahit sa pag-aaral na lang. Normal naman siguro maging tanga sa pag-ibig, huwag lang sa pag-aaral. Our future depends on it." Ilang sandali siyang tumitig sa akin bago tumango. Her smile got wider.
"I will, Trix. Let's be successful together."
Parehas kaming natawa at napailing. Saka ako tumingin sa gawi ulit ng bintana. May pumaradang pamilyar na sasakyan sa parking lot at nasisiguro kong sa kapit-bahay namin iyon na walang iba kundi kay Kuya Allen. Nasa tamang edad na rin siya para mag-drive at naalala kong minsan, sumasabay ako sa kanya para pumuntang mall.
Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang hinihintay siyang lumabas. Napangiti ako nang nagmamadali siya habang suot ang uniporme ng kanilang school saka umikot sa passenger seat. Nang binuksan niya iyon ay napawi ang ngiting nakasuot sa mukha ko.
Isang matangkad at magandang babae ang inalalayan niya sa paglabas bago niya ito hinawakan sa baywang. Parehas silang nangingiti base sa ekspresyon ng kanilang mga mata. Sabay silang pumasok sa school ngunit agad ding umiwas lang sa tinatawag na PDA dahil bawal iyon.
Masaya silang naglakad at sinalubong ng iilang kasama bago umakyat sa building.
"Psst, ‛di ba, si Kuya Allen ‛yon?" tanong ni Yana na ikinatango ko. "Sino ‛yong babaeng kasama niya? Kilala mo?"
Umiling lang ako at umalis na sa bintana para iligpit ang gamit. Muli na namang bumalatay ang sakit sa sistema ko at para pa akong maiiyak sa nangyari. My goodness! I'm just a Grade 10 student! I should study before breaking my heart for someone who doesn't even care for my feelings.
Manhid ba siya? O talagang hindi lang siya interesado sa akin kasi bata pa ako? Siguro nga, nakababatang kapatid lang ang turing niya sa akin. And I should stop being delirium!
“I feel you, Trix. Saka hindi naman maganda ‛yong babae! Mature lang. Pero kung magma-mature ka rin, mas maganda ka pa rin!"
Binalingan ko si Yana ng tingin nang hinaplos niya ang likod ko. At least, I have someone who can comfort me the way I comfort her.
“Thanks.” Huminga ako nang malalim. “Let's go? Mag-lunch muna tayo."
“Yeah! Ikakain ko na lang ‛to! Tutal naman kahit anong pagpapa-sexy ko, eh, hindi naman ako papansinin ni Sir Harry.
Hmp! Suplado no'n. Tara na nga. Naiimbyerna ako girl!”
Napangiti na lang ako saka kami sabay na bumaba. Masakit man, but I need to learn. for me to be mature enough and handle things like this. To handle my feelings for him.