Chapter 39 : Strawberry “Nasaan na siya?” tanong ni Sekani kay Wasuna. Kanina pa kasi sila naghihintay sa paglitaw ng berberoka sa ilog na nasa harap nila. May isang oras na ng umalis ang lola niya, pero hanggang ngayon ay wala pa ring lumilitaw na berberoka. “Wala rin akong alam. Maghintay na lang tayo at baka natutulog din ito.” Mahaba ang ilog kaya minabuti nilang maglakad-lakad na muna. Baka kasi nasa ibang bahagi ng ilog ang berberoka. “Napanuod ko ang nangyari sa inyo sa island 666. Grabe ang iyak ko nang mamatay si Anim. Alam mo, sobra akong proud sa iyo. Ang galing-galing ng mga naging laban niyo roon,” kuwento ni Wasuna kay Sekani. Kahit siya ay natutuwa rin. May stress mang nangyari ay masaya pa rin siya dahil naranasan na niyang makalaban ang iba’t ibang uri ng halimaw. “A

