Chapter 55 : Ang mission ni Wasuna Nagulat si Wasuna dahil sinundan siya ni Prinsipe Sekani. “May nagawa ba akong mali?” tanong nito sa kaniya kaya umiling naman siya. “W-wala. Bakit? Ano po bang iniisip niyo?” Nahihiya siya dahil binigyan ng kahulugan ni Sekani ang pag-alis niya. “Nagselos ka ba dahil sa pagpuri ko sa kagandahan ni Avilar?” Napangisi si Wasuna. “Naku, hindi, ah! Kaya ako nagmamadali ay dahil naalala kong may inuutos pala sa akin ngayon si Reyna Adelinda. Ngayon ko lang naalala kaya nagmadali akong umalis doon,” pagpapaliwanag niya kaya nakita niyang nahiya na rin si Prinsipe Sekani. Napabagal tuloy parehas ang lakad nila dahil sa parehong hiya na nararamdaman. Sa kabila naman niyon ay natuwa si Wasuna dahil iyon pala ang inisip nito sa kaniyang pag-alis doon. Gusto n

