False hope

2038 Words
Luto na ang adobo, hinanda ko na sa lamesa ang mga pinggan, may tubig na ring malamig doon. "Ahm.." panimula ko habang lumalapit kay Jacob na halos tapos na ang ginagawang book shelf. Lumingon siya ng marinig ako. "Handa na ang dinner, kumain ka muna." Tumango at binitawan ang ginagawa,hinablot niya ang kanyang t-shirt sa upuan at isinuot iyon. Nakahinga ako ng maluwag ng magkaroon siya ng saplot. Ni sa panaginip ay hindi ko naisip na mapupunta ang isang tulad niya sa condo ko, para gumawa ng book shelf ng.. half naked. The famous Jacob Lyle Lucre, wasting his precious time for nobody. Sabay kaming na-upo sa dining, sa gilid ay kita ang malalaki at maiilaw na building. Ako ang unang kumuha ng ulam at kanin na umuusok pa sa init, sunod ay siya na. Pasimple kong tinignan ang kanyang reaksyon sa una niyang subo ng pagkain. Matagal na akong nagluluto, pero ngayon lang ako na conscious sa lasa. Sumubo na rin ako ng wala namang nakitang masamang  reaksyon mula sa kanya. "Pasensya na kung tubig lang meron dito, walang softdrinks or juice, hindi ko kasi hilig." Panimula ko sa tahimik na hapunan. Nag-angat siya ng tingin sa akin." It's fine, I like water more." Ngumiti siya ng konti bago muling kumain. "Congratulations nga pala, successful ulit ang concert niyo." Nakangiti kong sabi, pinapagaan ang aming usapan. Tumigil siya sa paghiwa ng manok at nag-angat ng tingin sa akin. "Thank you, do you.." nagbaba siya ng tingin at tinuloy ang pag hiwa ng manok "Always watch our concerts?" Tumaas ang isang niyang kilay at nag-angat muli ng tingin sa akin. Tumango ako, well tatlong beses pa lang naman iyon, ang una ay tatlong taon na ang nakaraan, malaking concert iyon, sumunod ay mini concert lang at ang huli ay itong magarbong concert nila. "Mas maganda pala kapag nasa harapan, mas enjoy manood." Kaswal kong sabi tapos ay kumain na. Binitawan niya ang kutsara at tinidor at uminom ng tubig. Pinanood ko siyang gawin iyon ng magtama ang aming mata. "Does Nate always upgrade your ticket then?" Tanong niya sabay baba ng baso Napaawang ang bibig ko at agad umiling. " Hi-hindi." Hilaw kong tawa habang nauutal. Paano ko nga ba ipapaliwanag ang parteng iyon? "He bring different girls in our gigs and concerts" Deretcho niyang sabi tapos ay sumubo ng pagkain "Hindi ako i-isa sa mga babae niya!" Agad kong tangi. Totoong dinala niya ako sa harapan pero hindi niya ako babae! "Did he signed your ticket at the back then?" Tanong niya sa matigas na boses. Nakabuka na ang bibig ko para sumagot pero natagalan ako magsalita. "Because that's what he always-" "Aksidente lang ang pag- pirma niya don! Sinabi kong hindi siya ang gusto kong makita sa concert tapos pinirmahan parin.." hindi ko na naituloy ang gustong sabihin ng mahimasmasan. Kinagat ko ang aking labi at huminga ng malalim. Kanino at ilang ulit ko pa ba kailangang ipaliwanag ito? Nakatitig siya sa akin, kita kong ang nagbabadya niyang ngiti pero pinipigilan lang. Gusto niya akong makilala, pero ayoko sa maling paraan. Hindi ko alam kung bakit nanaman ako nawawala sa mga ngiti niyang ganyan. Tinulungan ko siyang ilagay isa-isa ang mga libro ko sa tapos ng book shelf, huli kong inilagay doon ang maliit kong wooden block display na may naka paint na sunflower. Sinundan niya ng tingin iyon tapos ay inilipat naman ang tingin sa picture frame ko na may hawak na isang stem na totoong sunflower. Bata pa ako doon sa picture. "Salamat sa pag gawa ng book shelf, sasabihin ko sa susunod na titira dito na si Jacob Lucre ang nag kabit niyan. Kung may maniniwala" Natatawa kong sabi. Kumunot ang kanyang noo sa aking sinabi. "Susunod na titira?" "Hindi kasi talaga sa akin itong condo, hindi ko rin alam kung kanino, kailangan ko pang alamin. Sana sabihin na ni Auntie Noemi." Ngumiwi ako at hindi alam kung bakit ko pa ito sa kanya sinasabi, hindi din naman niya maiintindihan. "Saan ka titira?" Tanong niya sa akin ng may madilim na titig. "Hindi ko pa alam, plano pa lang iyon, lilipat ako kapag tapos ko na ang kurso ko. Kaya kong umupa ngayon ng maliit na kuwarto, may part time naman ako, pero alam kong hindi ako papayagan." Paliwanag ko. Hindi siya nag salita, ang makakapal niyang kilay ay halos magkasalubong na habang nakatitig lang sa akin. Kaunti na lang iisipin kong galit siya. Pero imposible naman diba, wala naman iyon kinalaman sa buhay niya. Kailangan ko ng alisin lahat sa isip at puso ko ang mga pag-asa na ako lang naman ang bumubuo, dahil kung hindi ko gagawin iyon, sarili ko mismo ang wawasak sa akin. Kaya dapat sa simula pa lang ay hindi ko na inalagaan ang pag-asang iyon. Because hope can make or break you. "Hintayin kita sa labas Tasha." Nakangiting sabi ni Tam. Sarado na ang Chapters at naghahanda ng umuwi ang lahat. Tulad ng usapan namin ni Tam ay kakausapin ko siya pag tapos ng trabaho namin. Hindi ko maitago ang lungkot habang nakikita ko siyang masayang nagpapaalam sa akin. Tumango ako at tinanggal na ang apron kong itim, pumasok ako sa changing room at nag palit na ng damit. Lumabas ako at pumunta ng locker room para lang abutan si Thea doon na  masama akong tinignan Isa-isa kong tinupi ang aking uniform  sa tapat ng aking locker. Nilapitan ako ni Thea sa aking gilid ng nakahalukipkip at isinandal ang isang balikat sa locker. "Tingin mo talaga lahat ng lalaki may gusto sayo no?" Mataray niyang sabi. Hindi ko siya tinignan at pinagpatuloy lang ang pag tupi. Tulad ng lagi kong ginagawa, hindi ko siya pinapatulan. "Okay na sanang landiin mo si Rix o si Steven e! Pero pati si Tam? Ano to? Pakyawan?!" Sarkastiko siyang tumawa. Umiling ako sa kanyang mga mapanghusgang sinasabi. Inilagay ko sa aking back pack ang gamit na uniform. "Tapos ano ngayon? Papayag ka ng magpahatid? Kaya ka ba hinihintay? Napakalandi mo talaga! Alam mong gusto ko siya!" Hysterical niyang sigaw sa akin. Bumuga ako ng hangin at bumaling sa kanya, kita ko na halos maiyak siya sa inis sa akin, na kung pwede lang niya akong saktan ay gagawin na niya. "Kaibigan ko lang si Tam at hindi na hihigit pa doon iyon Thea."  Isinabit ko sa aking balikat ang aking bag at gusto ng umalis Hindi ko alam kung bakit pa ako nagpapaliwanag sa kanya gayong tingin ko ay walang papasok na kahit ano sa utak niyang galit. Humakbang na ako palayo pero hinawakan niya ako sa balikat at halos ibalya pabalik sa kanyang harapan. Gulat ko siyang tinignan sa kanyang ginawa, kung magiging pisikal siya sa akin ay hindi ko iyon palalagpasin. "Talaga? Pero magpapahatid ka." Sabi niya sabay tulag sa akin sa locker. Dumikit ang likod ko doon, kung hindi dahil sa back pack ko malamang ay nasaktan ako sa ginawa niya. Lahat ng pagtitimpi ko ay nawala. Kaya kong tiisiin yung mga sinasabi niya sakin pero ang saktan ako ng pisikal. Hindi ko kayang i-tolerate iyon! Itinulak ko rin siya palayo sa akin at halos matumba siya doon. Gulat siya at hindi makapaniwala na pinatulan ko siya. "Hindi ko alam kung ano ang pinaglalaban mo, wala akong intensyong agawin sayo si Tam. Pero tanungin mo rin si Tam kung may nararamdaman ba siya sayo, bago mo siya ipaglaban ng ganyan." Pinal kong sabi Bumuka ang bibig ni Thea na parang marami pang gustong sabihin, pero wala ng lumabas pa doon. Pulang pula na ang kanyang mata sa galit. Inayos ko ang nagulo kong damit at bag at iniwang bigo si Thea doon. Naabutan kong nakasandal sa kanyang vios si Tam ng nakahalukipkip, umayos siya ng tayo ng makita akong lumalabas. Ngumiti siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Tumingin ako sa nakabukas na pintuan. Kung ayaw ko siyang paasahin ay hindi ko na dapat pang patagalin, kung pupunta pa kami sa ibang lugar para mag-usap ay gagawa pa iyon ng isa pang pag-asa para kay Tam. Lumapit ako sa pintuan at marahan ko iyong isinara, taka akong pinanood ni Tam habang ginagawa iyon. Nasa likod kami ngayon ng Chapters, kung saan nag park si Tam. Sa gilid ay may lamp post katabi ay isang bench. Itinuro ko iyon at agad naman niyang nilingon iyon. "Doon na lang tayo mag-usap." Sabi ko Nalaglag ang kanyang panga, pero agad din niya iyon isinara at maamong ngumiti pero hindi maitago ang pagtataka. "Okay." Aniya. Sabay kaming nag-lakad papunta sa bench, nauna akong maupo, sumunod siya. Lumunok ako at handa ng umpisahan ang hindi madaling bagay na gawin. "Nagtalo kami ni Thea sa locker room kanina." Umpisa ko ng usapan. Agad siyang bumaling sa akin. "May masasama nanaman ba siyang sinabi sayo?" Medyo iritado niyang tanong. Ngumisi ako, marami, pero hindi na para sabihin pa iyon sa kanya. "Gusto ka niya Tam-" "Hindi ko siya gusto Tasha, ikaw ang gusto ko." Putol ni Tam sa akin. Sinalubong ko ang nagsusumamo niyang mga mata. Minsan hindi talaga patas ang tadhana, sabi nila hindi tayo nagmamahal para mahalin din tayo pabalik, maraming nagmamahal lang ng mag-isa, ng patago, ng tahimik. Mayron ding lumalaban.. ng mag-isa. It takes a lot of heartbreaks to know your worth. Kaya hindi ko na pahahabain ang lahat para kay Tam, hindi niya deserve iyon. He is a good man, and his destiny is waiting for him, at hindi ako iyon. "Hanggang kaibigan lang tayo Tam." Mahina kong amin. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko, dahan dahan kong nakita ang pagsilay ng sakit sa kanyang mukha. "Kung dahil ito kay Thea ay kakausapin ko siya." Mariing sabi ni Tam. Umiiling ako sa gitna ng pagsasalita niya. "Hindi ito tungkol doon" "Hindi ka ba tinitigilan ni Thea? I will confront-" "Tam!" Pasigaw kong putol. Tumigil siya at nakuha ko ang atensyon niya. "May iba akong gusto.." Sa wakas ay nasabi ko. Kita ko kung paano gumuho ang lahat ng pag-asa na mayroon siya sa amin. Ito ang dahilan kung bakit ako nagdesisyon na gawin ito. Ito ang dahilan kung bakit ayoko ng patagalin pa. "Parehas lang tayong tatlo ni Thea, nagmahal ng taong hindi tayo ang gusto. Kaya ko sinasabi ito dahil ayoko ng pahabain pa. Dahil alam ko ang pakiramdam, mahirap.." Lumunok siya at bigong yumuko. Hindi madaling bumasag ng puso ng taong totoong nagmamahal. Nag-angat ng tingin sa akin si Tam at malungkot na ngumiti. "I understand.. i appreciate your honesty Tasha." Tumatango niyang sabi. Ang mabigat na nakadagan sa aking dibdib ay biglang nawala, wala ng hihigit pa sa pakiramdam ng malaya at totoo sa sarili. Nag-oofer si Tam na ihatid ako, pero tumanggi ako. Pinanood ko siyang pumasok sa kanyang sasakyan at nagpaalam. Naglakad ako sa kabilang direksyon, medyo malayo pa ang sakayan at lalakarin ko na lang iyon. Madilim at malamig na, kaya sa isang vending machine na nadaanan ay nag pasok ako ng pera pinili ang coffee. Kinuha ko ang tapos ng timplahin na kape at naglakad ng muli habang hinihipan iyon. Narinig kong may bumili rin sa vending machine na iyon pero hindi ko na nilingon pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang umiinom ng mainit na kape. "Didn't know your a heartbreaker." Baritonong boses ang aking narinig sa lalaking sumabay sa aking mag lakad. Napahinto ako at nilingon siya. Si Nate Arce, habang hawak din ang kape na katulad sa akin, habang ang isang kamay ay nasa bulsa. Naka denim pants siya at white polo shirt habang suot ang itim na cap, na para bang doon siya umaasa na matatakpan ang mukha niya at hindi makikilala. Agad akong tumingin sa paligid at tiniyak na walang sumusunod sa aming fans or paparazzi. Jacob and Nate and the rest of The Chase, they are hard to be with. It will create chaos once may makakilala sa kanila dito. Kung bakit ba bigla na lang silang sumusulpot kung saan ay hindi ko alam. Nagugulo tuloy ang tahimik kong buhay. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang palingon lingon sa paligid. "Bibili sana ako ng coffee, pero iba ang naabutan ko." Kibit balikat niyang sagot tapos ay uminom ng mainit na kape. Nag letter 'o' ang bibig ko sa kanyang sinabi, nakita at narinig niya lahat iyon?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD