Isa-isa ng umuwi ang mga lasing. Unti-unti naring tumahimik ang bar at kanya-kanya narin kaming naglilinis sa mga gawain. Hindi ko alam kong anong ginagawa ni Matteo sa itaas, siguro ay natulog? Panay ang sulyap sakin ni Alyana na para bang hindi makapaniwala sa ginawa ni Matteo kanina. Hindi ko naman aakalain na gagawin iyon ni Matteo sa harap ng mga tao. Hindi ba sya nahihiya na isang waitress lang ang girlfriend niya? Gusto kong magtanong pero pinipigilan lang ako ng sarili ko. May bahid parin sakin ang pagkaka'ilang kong anong meron samin ngayon ni Matteo. Siguro ay kailangan ko ng masanay at tanggapin sa sarili ko na may karapatan akong magmahal na katulad ni Matteo. Pinupunasan ko ang bawat mesa at si Ivony naman sa mga upoan. "Maey totoo ba yong larawan na ipinakita ni Alyana?" Ta

