Sa loob ng mansyon ng mga Albarando, ang katahimikan ng madaling-araw ay binasag ng tunog ng nababasag na kristal. Isang mamahaling plorera ang humampas sa pader ng sala, kasunod ang malakas na pagdabog ni Paula. "Nasaan si Ernest?! Bakit hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa kanya?!" sigaw ni Paula sa dalawang tauhang nakatayo sa harap niya, kapwa nakayuko at hindi makatingin nang diretso. "Ma'am, huling nakita ang motor nila malapit sa perimeter fence ng site ni Roxie. Pero pagkatapos noon, nawalan na kami ng contact. Sinubukan naming bumalik pero masyadong mahigpit ang seguridad ng mga De Villa," paliwanag ng isa sa mga tauhan. "Mga inutil!" bulyaw ni Paula. Muli siyang kumuha ng isang dekorasyon sa mesa at buong lakas na ibinato ito sa sahig. "Isang simpleng sabotahe lang ang

