Entry #4: Glimpse of Desires

1170 Words
GLIMPSE OF DESIRES Riadella wanted to unwind. Gusto muna niyang lumayo sa city at hanapin ang sarili kaya naman tinanggap na niya ang alok ng kaibigan na do'n sa kanilang isla magbakasyon. Ang hindi niya alam may binuo na palang plano ang kaibigan. "Excuse me po. Manong, saan po ba ang bangkang sasakyan patungo sa kabilang isla?" marahan niyang tanong sa matanda. "Naku! Huli ka na, nakaalis na ang bangka." Ani nito at nagpatuloy sa ginagawa. Mayamaya ay muli siyang binalingan nito. "Pero kung gusto mo, sumabay ka na lang kay Syd." Kumunot ang kanyang noo. "Sino naman po 'yon?" natawa lang ang matanda sa naging reaksyon niya. "Wag kang mag alala mabait iyon- oh, and'yan na pala siya, e." Sinundan ni Riadella ang direksyon ng tinitingnan nito. Pinagmamasdan niya ang lalaking may namumutok na biceps dahil sa dalang malaking banyera na ngayon ay wala ng laman. "Doon lang din nakatira 'yang si Syd. Pumupunta lang rito para dalhin sa pamilihan ang mga isda." rinig niyang turan ng matanda. "Mabait 'yan, kahit hindi naman kailangan na magdala ng mga isda ay kanyang ginagawa. Minsan pa nga hindi na niya 'yan pinababayaran. Lumaking marangya naman kasi ang binata." dagdag pa ng matanda na animo'y binibida ang lalaki sa kanya. Tumikwas naman ang kanyang kilay. "Manong, gusto ko lang naman pong makarating sa isla pero bakit parang gusto niyo nang i-kwento ang talambuhay niya? Anak niyo po?" Natawa naman ang matanda dahil sa kanyang tinuran. Umiling na lamang ito at niyakad siyang lapitan ang lalaki. "Syd, babalik kana ba sa isla? Puwede mo ba siyang isabay? Nakaalis na kasi ang bangka kanina." Kumunot naman ang noo ng binata. Lumingon pa nga sa paligid na para bang may tinitingnan. Kalaunan, binalingan din ang matanda na may pagtataka. "Nakaalis na?" may pagdududang tanong pa nito dahil naroon pa naman ang sinasabi nitong bangka. Pansin niya pang naging mailap ang mga mata ng matanda dahil kung saan-saan na nakatingin. Hindi na lamang niya iyon pinagtuunan ng pansin. "Oo. Nakaalis na, Syd." tila nagmamadali pang ani nito. Wala namang nagawa ang lalaki at siya na ang binalingan. Marahan itong tumango. "Aayusin ko lang ang bangka. Maghintay ka dito." gustong ngumiwi ni Riadella nang mahimigan nito ang tila nagsusungit ang lalaki sa tono ng pananalita niyon. "Wag mo na lamang pansinin. Gano'n lang talaga si Syd. Mukha mang pinaglihi sa sama ng loob pero mabait 'yan." singit na naman ng matanda na akala mo hiningian ng opinyon. "Puwede bang magtanong? May kilala kabang Tanya Nervalde? Do'n kasi ako pupunta." bigla naman siya nitong nilingon. "Kapatid ko 'yon." seryosong sabi nito. Napaisip naman bigla si Riadella. "Oh, akalain mo 'yon may kapatid pala ang babaeng 'yon na mukhang international model?" "Kaibigan ko si Tanya. Siya rin ang nagyayang sa kanila ako magbakasyon." paliwanag na lang niya rito. Tumango lang ang binata at muling binaling ang tingin sa unahan. Nang makarating sila sa isla ay agad niyang nakita si Tanya. Malapad ang ngiti nito habang nakatingin sa kanila na animo'y proud na proud sa nagawa. "Mabuti na lang nando'n pa si Kuya Syd, kundi wala kang masasakyang bangka." "Oo nga. Bakit kasi hindi mo na lang ako hinintay kanina?!" napaiwas naman ito ng tingin. "Inayos ko ang silid na gagamitin mo." "Puwede mo naman iyon ipasuyo na lang." "Masyado kang importanteng bisita, kumbaga VIP ka. Kailangan ako mismo ang mag aayos no'n." pero ang totoo sinadya naman nitong iwan siya dahil nga sa plano nito. Kinagabihan, matapos nilang mag hapunan ay hinatid siya ni Tanya sa kanyang silid. "Matulog kana. Bukas ng umaga ipapasyal kita. Meron ditong waterfalls, puntahan natin." ani nito. Patulak pa nga siya nitong pinasok sa loob ng silid. Sinamaan niya ito ng tingin. Ewan niya ba pero habang tinitingnan niya ito ay mukha pang kinikilig. Pababa pa lamang siya ng hagdan ay naririnig na niya ang boses ni Tanya. Kausap niyon si Syd. Nahinto ang pag uusap ng dalawa no'ng parehong mapatingin sa kanya. "Mabuti naman gising kana, Riadella. Pero mukhang hindi kita masasamahan mamaya. May aasikasuhin pala ako ngayon, pero wag kang mag alala napapayag ko na si Kuya Syd na samahan ka." do'n naman kumunot ang noo niya. "Puwede namang pumunta do'n bukas pag wala ka nang gagawin, ah." hindi niya sigurado pero parang pinandilatan siya ng mga mata ni Tanya. "Ano ka ba! Ang ganitong mahahalagang bagay ay hindi na dapat ipinagpapabukas. Malapit pa lang tayo sa exciting part." "Huh?" "Wala." Wala na nga ring nagawa pa si Riadella kundi ang gawin na lang ang sinabi nito. Ayaw man niya dahil medyo nahihiya sa kapatid nito at maaabala pa niya, ay tinuloy na rin niya ang pagpunta sa waterfalls na sinasabi ni Tanya. Kaysa naman mawalan ng saysay ang pagpunta niya rito. Wala naman sigurong masama kung hiramin niya muna nang isang araw ang oras ng lalaki. Wala naman yata siyang gagawin at pumayag naman pala. Matarik ang kanilang dinaraanan papunta sa waterfalls. Maingat ang kanyang mga hakbang para hindi madulas. Nauuna si Syd sa kanya at tila hindi napapansin ang malapagong niyang paglalakad. Nakanguso siyang nakatingin sa malapad nitong likod. "Pag lumingon ka, akin ka-" At nang lumingon nga si Syd. "May sinasabi ka?" nakakunot noo na tanong nito. Lihim siyang napangiwi. "Ah. Wala," gusto na lang niyang batukan ang sarili. Pansin niya ang paninitig nito. Nakita rin sigurong nahihirapan siyang umakyat sa matarik na daan. Inilahad nito ang isang kamay. "Humawak ka. Baka abutin pa tayo kinabukasan sa bagal mong maglakad." Nakataas ang mga kilay na tiningnan niya ito. "Minsan na nga lang umimik... tama nga si Manong para talaga siyang pinaglihi sa sama ng loob." hindi naman iyon narinig ng binata na ikinaluwag ng paghinga naman ni Riadella. Magkaagapay na silang naglalakad na animo'y close na close sa isa't isa. 'Di kalaunan, narating na rin nila ang mabatong waterfalls. Walang paligoy ligoy na nagtanggal si Riadella ng kanyang mga damit at tanging ang panloob at itim na cycling na lamang ang suot. May pagmamadaling tumalon at walang sawang nagtampisaw sa tubig. Nakalimutan na yatang may kasama siyang masungit na lalaki at halos mangamatis na ang kulay ng mukha at mga tainga dahil sa nasaksihan. Huminto ang dalaga sa paglangoy at nakangiting binalingan si Syd na tahimik lang na nakaupo sa malapad na bato "Hindi ka ba maliligo?" mayamaya ay tanong niya. Umiling naman si Syd. Pinilit siya ni Riadella, "Tara. Maligo kana din, kaysa naman nakaupo ka lang d'yan." Muling umiling si Syd kaya iningusan niya ito. Unti unti siyang lumapit rito at nang magkatapat na sila ay ngumisi siya rito at walang pagdadalawang isip na kinuha ang kamay ni Syd at mabilis iyong hinila dahilan para malaglag ito sa tubig. Basang basa si Syd na ikinatawa niya. Walang imik naman siyang pinagmasdan ng lalaki. Nagtitigan lang sila hanggang sa seryosong tinanggal ang suot na shirt at basta na lang sinampay sa malapad na batong inuupuan nito kanina. Ang hindi niya alam, dito na rin mag uumpisa ang kanilang pagkakamabutihan. Hanggang sa isang gabing pagsasama na silang dalawa lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD