PROLOGUE

163 Words
Ang tanging na tatandaan ko ay ang mapupula niyang labi na humahalik sa bawat parte ng katawan ko, ang mapupungay niyang mata na nagpapahumaling sa pag-iisip ko, sa malalim niyang boses na dahilan ng pagkahulog ko at sa katawan niyang sobrang perpekto sa mga mata ko. Iyon ang mga bagay na tumatak sa utak ko noong gabing inangkin niya ang p********e ko. Ang masaya naming kwentuhan habang hawak-hawak ang bote ng alak, ang mga bagay na may pagkakapareho kaming dalawa at mga bagay na ayaw namin. Hanggang sa 'yung usapan namin ay na punta sa matatamis na halik, halik na kumalat sa buong parte ng katawan ko at nagdulot ng init. Marahan niyang hinahaplop ang buhok ko at maingat niyang inangkin ang p********e ko, tanda ko pa ang mabibigat niyang paghinga sa gilid ng tenga ko na nagdulot sa pagkawala ng ulirat ko. Sabay kaming na lunod sa isa't isa ng mga oras na iyon. At hindi ko inakala na ang gabing iyon ang magpapabago sa buong buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD