"Five thousand para sa one month deposit at one month advance. At isang libong piso na advance sa kuryente at tubig." Kumuha ako ng maayos na bahay para kina Inay at Amang. Hindi ko maatim na maayos ang tulugan ko kada gabi kina Ate Rose, samantalang ang mga magulang ko ay sa puwesto na lang natutulog. Hindi ko pa nasabi ang bagay na 'to. Tiyak na hindi sila papayag, kaya minarapat ko na lang na huwag sabihin. At saka maganda iyong bagong upahan na nakuha ko. Puwede ding magtindahan, dahil daanan ng mga tao. Kung malakas ang benta, puwede na nilang iwanan iyong puwesto. Hindi na nila kailangang magbenta ng mga kung ano-anong gamot diyan, lalo na iyong pamparegla. Bumili ako ng mga unan at maayos na higaan bago ako nagpunta sa puwesto. "Anne! Kaya nga kami nagpasya ng Amang mo na h

