Hindi na ako maka-focus sa paglalaba. Nakaupo si Craig sa malapit sa lababo habang seryosong nakatitig sa akin. Dama ko iyong init ng kaniyang mga titig na halos ikapanghina ko, pero kailangan kong matapos itong nilalabhan ko. Tahimik na siya pero kita sa kaniyang mukha ang kaseryosohan. Mukhang malalim ang kaniyang iniisip at para bang mayroon itong matinding galit para sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pagsisisi kung bakit ko sinabi sa kaniya ang katotohanan. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Kailangan kong tanggapin ang galit niya. Kasalanan ko naman talaga ang lahat. Nakonsensya pa ako lalo dahil sa mga sinabi niya. Hindi na siya nakakatulog ng maayos at hindi na din nakakapasok ng maayos sa trabaho. At ngayon na alam na niya ang dahilan ng lahat, tiyak na pinag-iisipan na din

