"Craig, nakakahiya..." Parang ayaw ko ng tumuloy sa loob ng restaurant nang makita ko kung gaano ito kasosyal, pati ang mga tao na papasok at palabas. "Kinakahiya mo ako?" Umirap ako. "Nahihiya ako kasi..." Tiningnan ko ang suot kong damit. Nakasuot lang ako ng shirt at palda, hindi gaya ng ibang mga tao na nakasuot ng magagandang bestida, naka-gown pa nga ang iba. "Ayaw ko ng tumuloy. Saka mukhang mahal dito, e..." "Dadalhin ba kita dito kung hindi ko kayang magbayad?" tanong naman niya. "Sa iba na lang tayo. Doon sa hindi masyadong sosyal, sige na... Baka hindi ako makakain ng maayos diyan." "Tara na," giit naman ni Craig at halos kaladkarin na niya ako papasok. Kabadong-kabado akong naglakad papasok hanggang sa mesa kung saan kami giniya nang babaeng sumalubong sa amin. Na

