Napamura ako nang makita ko si Marko sa labas ng bahay. Kabababa lang niya sa kaniyang sasakyan. Hindi ko talaga in-expect na dadalaw ang lalake dito. Hindi siya welcome dito! Nagmamadali akong lumabas. Nakaligo na ako at plano ko sanang maghanda ng breakfast para sa amin nina Mommy at Maisie. Tulog pa sila hanggang ngayon. "Oh, Marko! Ang aga pa, ah. Ano'ng ginagawa mo dito?" "Yup. You're not answering my emails." Hindi niya alam ang number ko kaya doon niya ako kino-contact. "Ah, hindi pa ako nagbukas ng email, e." Sana huwag munang gumising at bumaba sina Mommy at Maisie. Baka kasi hanapin ako ng anak ko. Ayaw kong makita siya ni Marko. "May kailangan ka ba sa akin?" "Nandiyan na ba ang mommy mo?" "Oo, kaso tulog pa, e. Puyat. Pagod. Nagbabawi ng tulog." Tumingin siya sa un

