Tulog na si Craig. Nakanganga pa siya pero guwapo pa din siya. Nakayakap ang kaniyang isang braso sa akin habang ang mukha ay nakasiksik sa aking leeg. Napabuntong hininga ako at napaisip kung bakit ba ako narito ngayon, nakahiga sa kaniyang tabi. Ang sabi niya ay gusto niyang matulog ng mahimbing at gusto niya ng katabi. Kawawa naman siya. Lagi na lang puyat at naaapektuhan na ang kaniyang buhay. Kasalanan ko 'to kaya babantayan ko na lang siya habang tulog. Ang daming mga bagay na naglalaro sa aking isipan sa mga sandaling ito. At nang mapagod ako, hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako. Alas-dose y media na ng tanghali nang magising ako. Wala na si Craig sa tabi ko. Nakaupo siya sa sofa at hawak ang kaniyang cellphone. Mukhang kagigising-gising lang niya. Binaba niya

