PROLOGUE

353 Words
Umangat ang ulo nito at saka tumingin sa kanya. Nakita niya sa mga mata ng binata na ang hirap, sakit at galit. Namumula na rin ang mukha nito dahil sa alak at pati ang mga mata nito sa kakaiiyak. Kung may kapangyarihan lang siya na magpawala ng sakit sa damdamin ng iba, baka wala nang makaramdam ng ganitong sakit. Maldita siyang tao, pero marunong naman siyang maawa lalong-lalo na sa mga mahal niya. "Lover, can you do me a favor?" "What is it, Ken? Tell me what is it?" "Can you help me to find Jennifer?Please save her," Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at nagmamakaawa ang boses nito. Umiiling siya dito dahil imposible talagang maibalik ang kinakapatid niya dahil sa mismong dalawang mga mata niya nakitang binaril ito. "Ken, hindi na pwede. Patay na siya Ken, patay na siya," "I thought you will help me?! Iyon lang naman ang hinihiling ko diba?! Na mabuhay siya!!" Pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak nito sa kanyang balikat dahil sumakit iyon sa higpit nang pagkakahawak nito sa kanya. "Ken, bitaw! Masakit!" "Mas lalo lang kitang sasaktan kapag hindi mo siya bubuhayin Jess, at mahanap ang mga taong iyon. Sana ikaw na lang ang nawala, hindi siya," Kusa na lang tumulo ang kanyang luha dahil sa masakit na pagkakasabi nito sa kanya. "Gusto mo ba akong mawala sa landas mo Ken? Dahil ako pagod na pagod na ako sa kakaintindi sa’yo, pero umaasa pa rin ako na sana balang araw ako naman ang mahalin mo." Nakita niyang natigilan ito at napatitig sa kanya. Para bang hindi ito makapaniwala sa narinig. Napabuntong-hininga na lang siya ng hindi man lang nito umimik sa sinabi niya. Tinulungan niya na lang itong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Kahit na mabigat ang binata ay pilit pa rin niya itong pinatayo para makahiga ito sa kama at makapagpahinga. "T-there.." hinihingal niyang sabi ng magtagumpay siyang pinahiga ito sa kama. Kaagad niyang nilinisan ang mga kalat sa silid ng binata dahil baka masugatan pa ito. Ayaw na niyang makitang masasaktan si Ken. Mas mabuting siya na lang ang masaktan kaysa dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD