Agua’s POV “I wish we did.” Natahimik ako. Saglit na prinoseso ng utak ko ang sinabi niya, inintindi ko mabuti dahil ayokong mag-assume. Sa gawi kasi ng pagkakasabi niya tila ba nanghinayang siyang ‘di namin ginawa, kahit ako, sh*t! Ano ba ‘tong pumapasok sa isip ko. “So walang nangyari?” Panigurado ko. Nais ko lang makasigurong wala talaga. “Dapat pala meron?” Salubong ang mga kilay niyang saad. Naiwan sa ere ang nais kong sabihin. Ang naramdamang kilig ay naglaho bigla. Napalunok ako. Umayos ako ng tayo at palaban ko siyang tinignan. “So ano palang nangyari.” Nilagay nito ang magkabilang kamay sa magkabilang bulsa ng suot niyang pantalon at nagsimulang humakbang habang nanatili ang maririin niyang mga titig sa mga mata. Nataranta ako bigla ng unti-unting lumiit ang distansya

