Bawal pa rin sa mga bata. Wag makulit. Agua’s POV Nagising ako sa malakas na pag-uga ng kama. Kasunod ang pagkubabaw ng malaking bulto ng katawan sa 'kin. Hinablot niya ang kumot ko, inalis ito mula sa katawan ko at basta na lamang tinapon sa kung saang parte ng silid. Napasinghap ako ng maramdaman ang pagtama ng mainit niyang hininga sa balat ko at maamoy ang mabangong pagbuga nito. Kay lalim at kay bigat ng bawat paghinga niya, waring hirap siyang supilin ang nararamdaman ngunit ang bawat tunog nito siyang nagpapagulo sa buo kong sistema. Tuluyang nagmulat ako ng mga mata, mariing mga titig niya ang sumalubong sa ‘kin. Wala ni isang salitang lumabas sa mga labi niya ngunit ang mga titig niya’y sapat na upang makuha ko ang nais niya. “I want you.” he breathed under my skin, his b

