Hindi malaman ni Ken kung ano ang gagawin. Ginising niya ang dalaga pero umungot lang ito pero hindi ito nagmulat ng mata. Narinig lang niya na tiniwag nito nang mahina ang pangalan niya. He wanted to cursed himself. Hindi man lang niya napansin na masama na ang pakiramdam nito kanina. Mas binigyan pa niya ng pansin ang galit na nararamdaman mula nang umalis ito kanina na walang paalam. Halos mabangga na siya kanina sa kalilinga habang nagda-drive para hanapin ito. Nakailang balik na rin siya sa bus terminal para tingnan kung nandoon ito at hindi lang tatlong beses siyang pumasok sa mga bus na pabalik ng Maynila at inisa-isa ang mga nasa loob. Ilang beses niya itong tinawagan pero hindi nito sinasagot ang telepono. Kaya tumawag siya sa Mama nito para alamin kung saan ito pwede magpunta

