Pagdating namin sa mall ni Jasper, ay agad na akong bumaba ng sasakyan at iniwan ito. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking yun, at hindi ko alam kung saan niya nakuha ang kakapalan ng pagmumukha niya. Pumasok ako sa isang restaurant sa loob ng mall at ng order ng ng pwede ko makain para pagdating ni Suzy ay kakain na lang kami. Malapit na rin daw kasi ito. Mas lalo akong sumimangot ng makita kong pumasok ng restaurant si Jasper. Luminga linga siya na tila may hinahanap sa loob. Kaya naman agad akong nagkubli sa sa ilalim ng mesa para hindi niya makita. Para tuloy akong kriminal na may tinatakasan at may tinataguan. "Hmmm.." napa mura ako ng marinig ko ang pag tikhim niya at paghila ng lamesa. "Come on, Bella, sa palagay mo ba hindi kita makikita?" Napapadyak ako sa inis at tumuyo mula

