"May karapatan naman ata akong malaman ang nakaraan mo diba? At kahit ano pa man yun matatanggal pa rin naman kita dahil mahal kita." Ani ko sa kanya at bahagyang ngumiti. " Tapos na yun, baby. Isa pa ayoko na pag usapan pa iyon." Bigla amo nanlumo sa sinabi niya sa akin. Ibig sabihin hindi pa rin niya nakakalimutan ang babaeng nang iwan sa kanya dahil hindi pa rin siya nakaka pag move on. Pero sino ng babaeng nang iwan dito? Biglang nanlaki ang mata ko at tumingin sa kanya. Pero sana mali ako ng iniisip. Pero kung totoo man bakit ito nagawang iwan ng babae. Hanggang sa makapasok kami sa condo hindi maalis sa isip ko ang babae, kung ano ba ang itsura nito? Mahal na mahal pa rin ba ito ni Jonathan kaya ganun na lang kalaki ng galit niya kay Reynold. "Baby.." narinig kong tawag niya sa aki

