"Grave girl ang laki ng dinagdag ng timbang mo ngayon. Dapat mag diet ka para pag nanganak ka na hindi ka mahirapan na ibalik ang dati mong alindog." Saad sa akin ni Mj habqng naglalakad kami dito sa mall. Sabado ngayon at wala siyang trabaho kaya naman niyaya ko siya na magmall kami dahil naiinip ako sa bahay. Wala din kasi si Jonathan umalis ito kahapon ng umaga papuntang Davao. Sinasama naman niya ako pero ako na mismo tumanggi sa kanya dahil nga sa layo nito at malaki na rin ang tiyan ko. Kailangan daw kasi si Jonathan sa farm na pag aari ng kanilang pamilya. Nagkaroon daw kasi ng sunog ang taniman ng saging at malawak ang natupok. May mga tauhan ding nadamay sa nasabing sunog. "Wala ka na naman nakita kundi ang katawan ko." Irap ko at pumasok sa isang store ng mga pang baby. " Nags

