Naging maayos naman sa amin ang lahat ni Jonathan, mas lalo pa nga itong naging sweet sa akin. Ang tungkol naman sa pag alis niya na kasama si Cheng ay pinag sawalang bahala ko na lamang. Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam ko na hindi niya ako lolokohin dahil iyon ang nararamdaman ko. Kumatok muna ako sa pinto ng opisina ni Jonathan. Hindi ko pa nasasabi kanya ang tungkol sa pag alis ko bukas bukas para samahan ang mag amang sina Reynold at Rissa. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat na idadahilan ko sa kanya para payagan niya. "Come in" sagot nito kaya pumasok na ako sa loob. "Babe.." agaw pansin ko sa kanya habang totok na tutok siya sa kanyang laptop. "Yes baby?" Kinagat ko ang mga kuko ko sa daliri dahil hindi ko maiwasan na kabahan. Paano kung hindi niya ako payagan. Naka

