IV

1376 Words
Napawi rin naman kaagad ang ngiti niya ng makita na nag add ng IG story si Cedric kaya ito nag bukas. Akala naman niya ay nag chat na ito ng makita ang username na nakadisplay sa screen. Tinapos niya ang pagkain at walang ganang umakyat ito sa kwarto niya at nag bihis kaagad. Long sleeves na pastel pink at black na short, hindi gaanong maiksi pero halos nasa gitnang hita ito. Slip on na slipper na itim at nike saka nag pusod ng buhok. Naka cat ear na head band din siya. Gagala siya sa labas at bibili ng pang agahan bukas. Ilang sandali pa ay kumatok siya sa kwarto ng mama at papa niya at nagpaalam sa papa niya lang. Tinanguan lang siya nito. Hindi sila madalas mag-pansinan ng papa niya. Hindi mabait sakaniya pero hindi rin naman siya sinusungitan. Well sa lagay niya, oo at nakararanas siya ng depression pero hindi naman niya ito pinag-kakalat. Si Athena na kaibigan niya lang ang may alam nito at hindi niya pa iyon sinabi. Malamang sa araw araw na mag kasama silang dalawa lang ito niyon nalaman. Kasalukuyan siya sa palengke at naka bulsa ang cellphone ng nag vibrate. Nakakaramdam pa rin siya ng guilt sa sinabi kay Cedric at naba-bother siya roon. Paano ba naman kasi matabil din talaga ang dila niya. Siguro mas maaatim pa iyon noong tao kung sinabi niya iyon ng pataray. Pero hindi, eh, seryoso siya kaya kung siya rin naman ang sasabihan sa ganoong paraan hindi niya rin naman magugustuhan kaya naiintindihan niya na ganoon na lang ang nagging reaction ni Cedric. Naalala niya na nag vibrate ang cellphone niya kaya tinignan niya ang screen. Nag IG story ulit si Cedric, isa itong poste at katapatan lang iyon ng view sa camera kaya napatingin siya sa kabilang kanto at sinilip ang poste doon. Nandoon nga si Cedric! Umiinom ito ng milktea at nag titipa sa cellphone. Nag vibrate ulit ang phone niya sa myday ng ibang tao pero ipinagsa walang bahala niya iyon at tinignan ang binibili niya. "Ate... Balikan 'ko po 'yan, ha," aniya sa tindera at nginitian ito. Nag lakad naman siya patungo sa direksyon ni Cedric sa hindi kalayuan at huminto ng limang metro na lang ang pagitan nila at napukaw din naman niya kagad ang atensiyon ni Cedric. Nang ma-realize ni Cedric na siya iyon, ibinalik nito ang mata niya sa cellphone. "Sorry," Panimula niya. Nagulat naman siya nang magsimulang mag lakad si Cedric palayo sa direksiyon niya at hinabol niya naman ito ng patakbo. Mahaba kasi ang mga binti ni Cedric kumpara sakaniya. "Huy, sorry," Ulit niya at nilingon naman na siya ni Cedric at ngumisi. Tinuro ni Cedric ang sarili at pinawi ang ngisi sa labi. "Ako ba?" Tanong nito, parang 'yung tanong niya noong hapon, ganoon. "Oo, sorry..." "No need to say sorry," Ngiting asong sabi nito at nag lakad na palayo. "Huy, sorry na talaga," sabi niya at yumuko. "Ayoko kasing magulo pa nila 'ko kapag nakita nilang sumusunod ka sa 'kin. At saka..." Huminto siya, ni-hindi niya kasi alam kung bakit ba siya nag papaliwanag dito? "Na-guilty ako, ang harsh 'ko pala masiyado. Sorry." Nilipat niya na ang tingin niya kay Cedric at nagulat siya ng may kaunting siwang sa labi nito tanda na nagulat ito sa sinabi niya. Umiwas siya ng tingin dito at pormang aalis na dahil tumalikod na siya Naka recover naman agad si Cedric noong umalis ng tingin si Skylar at nagsalita, "Ah... Sige, okay lang." Huminto naman si Skylar sa pormang mag lalakad at nilingon si Cedric. Ngumiti siya ng bahagya. Tumaas naman ang kaliwang kilay ni Cedric, "sa isang kondisyon." Sabi ni Cedric na nagpawala ng ngisi niya at pumalit ang mukha niyang nag-tataka. "Huh?" "Pahingi naman ng number," Sabi ni Cedric na malaking Malaki ang ngiti sa mukha sabay pakawala ng malakas na tawa. Nanlaki naman ang mata niya dahil baka makatawag sila ng mga matang mapang-usisa. Hindi niya alam pero bigla niyang inakbayan si Cedric at dinala sa gilid, nanlaki ang mata ni Cedric doon ngunit napa-ngisi pa rin. Noong nasa gilid na sila ay naka-ngisi pa rin si Cedric habang si Skylar naman ay naka pamewang at naka lahad ang kamay. Tanda na hinihingi niya ang cellphone nito at lalagay niya ang number niya, saulo naman niya iyon. Naka ngisi pa rin si Cedric ng ibigay niya ang phone niya at poker face na kinuha at nilagyan ng number iyon ni Skylar. Lumakad siya ng namumula ang pisngi dahil nahihiya at patay malisyang umalis lamang. Nang bumalik siya sa palengke ay kinuha niya na ang mga binilin niya at binayaran. Sa totoo lang ay pwede naman siyang bumili sa grocery pero gusto niya talaga riyan sa palengke. Aaminin niyang sinabi niyang hindi niya na gusto si Cedric at na-turn off siya rito ngunit kinikilig siya, eh. "Ay ano ba 'yan," Sabi niya nang naka lagpas siya sa bahay nila dahil sa ka-lutangan. Papaano ay iniisip niya ang mukha ni Cedric kanina, jusmeyo! Papasok na sana siya sa gate ng mapansin niyang red ito, puti ang gate nila. "Isa pa, Skylar, bengga ka." Bulong niya sa sarili. Papaano ay sobrang lutang niya naman yata. Bigo na naman siyang buksan ang gate, puti naman na iyon? Nag-taka siya. Pero gate naman nila iyon, naka-lock lang. mga dalawang minute bago niya ma-realize na naka-lock lang naman kasi talaga. Tatawag na sana siya sa kuya niya nang biglang bumukas ang gate at nasa harap noon ang naka cross arms na si Samantha. Hindi niya na sana papansinin ang kapatid at lalagpasan pero nag salita ito. "Hi, sister!" Sarcastic na sabi nito pero naka-ngiti. "Oh," Sabi niya at hudyat na ito na naghihintay na siya ng pag tataray ng batang kapatid. "Wala! Tara, hehe," weird na pag kakasabi ng kapatid. Napa iling lamang siya sa inaakto ng kapatid at alam niya naman siyempre na hindi iyon normal at may kailangan ito, o mayroong gagawin. Hindi na bago at hindi na rin siya takot sa kung anong gagawin na. Sanay na siya roon. Pagka pasok niya ng kwarto ay parang timing na talagang tumunog ang cellphone niya na sanhi ng maalakas na vibration at sumulpot ang username ni Cedric doon. cmandate: You're not a jaw but why did you crossed the line? Natawa siya rito dahil ang corny ng pick-up line nito, pero wala naman sa loob na nangiti siya rito. Hindi niya naman gets? Paano nga naman kasing nag cross sa line ang jaw? skyleeem: Hindi 'ko gets. cmandate: Ano ba 'yan. Jawline! 'yung linya ng panga? Hay nako. Napatawa siya ng mapag tanto ito, joke ba ito? Bakit naman siya nag cross sa line? skyleeem: eh? Ano 'yung 'you're not a jaw' pa? cmandate: ano ba 'yan! You crossed the line? Kasi... Nag taka siya dahil putol ang chat nito. Hindi niya pa rin kasi gets ang joke na she crossed the line. Kumbaga hindi inaasahan ni Cedric ang dapat gawin o dapat hanggang doon lang? Kasi hindi dapat siya magustuhan ni Cedric at hindi rin inaasahan ni Cedric na magkakagusto siya rito. cmandate: ah, wala, ayoko na mag-joke! skyleeem: joke pala 'yun? Tawa siya nang tawa noong biglang mayroongkumatok sa kwarto niya. Nilapag niya muna ang cellphone niya sa ilalim ng unanbago ito pag-buksan at sumalubong sakaniya ang kuya niya. Walang ano-anong nag salita ang kuya niya pagka-bukas ng pintuan niya, "Tumawagkanina ang mama ni Athena..." Hindi niya alam pero may bigla na lang mayroong kabang sumikdo sa puso niya. Sa kabilang banda, noong makalabas si Skylar sa pintuan ay sinarado na kagad niAthena ang pinto at binigay ang lakas sa sofa. "Aray 'ko ang sakit," reklamo niya sabay hawak sa noo niya. Napa-pikit ito ngilang minuto at tumayo para tawagan ang mama niya. Hindi niya na talaga kaya'yung sakit ng ulo niya. "Yes, darling?" bungad ng mommy niya. "Mommy..." Habang nag sasalita ay biglang umikot ang paningin niya kaya namannapa-upo siya. "Why?" "Ah wala mommy, hehe. Nangangamusta lang po." Sabi niya at ibinaba na angtawag. Tumayo siya para sana kumuha ng tubig pero nataob siya at unti unti nangnawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD