PROLOGUE

592 Words
Ang buhay ng isang Skylar ay mahirap... Sa araw araw na buhay, araw araw ang pag titiis niya ng sakit. Na hindi niya dapat maranasan. "Sky! Sama ka? Bar daw sila Jimuel? Aish! Inaya nga ako, gusto ko sumama kasi why not naman 'di ba? Pero ikaw ba?" Masiglang yakag ng kaibigan niyang si Athena. "Ayaw, baka mapagalitan ako ni Mama..." Inaasahan na rin ito ni Athena. Palagi naman, eh. "Ah, oo, sige." malungkot nang sagot ni Athena. Ang Buhay ni Skylar ay ganiyan, hindi sa nakatali pero parang ganun na nga. Natapos ang Klase, nag yakagan ang mga kaibigan niya. "Athena! Sama ka ha? Treat ni Abigail, sa bar." Si Jimuel ang may sabi niyon. "huh.. Oo naman? Sinabi ko na nga kay Skyle." Si Athena. Hindi niya kailanman pinagpaliban si Skylar. "sasama sya? Athena.. Hindi naman nag sabi si Abi na kasama sya ah?" Walang hiya, sa harap ba naman ni Skylar mag sabi ng ganoon? Syempre, pumalag si Athena, "hala grabe ka naman! Kaibigan naman natin sya ah?" "Thena! Okay na 'yun, hindi 'ko din naman gusto sumama 'di ba?" Si Skylar, ganiyan lang 'yan. Hindi niya iniintindi ang sarili. Ang importante ay iba. ganoon 'yan, eh. "Kahit na, Sky. makapag salita tong si Negneg na Jimuel kala mo matangkad e, Growee ka muna boi!" Lait ni Athena, handa kasi talaga itong makipag-away para kay Skylar. "Kapal mo Athena, nakiki kaibigan na lang 'yang si Skylar nag mamaangas ka pa. Payatot!" Nakaka-rindi, oo. Pero hindi rin naman magpapa-pigil si Athena, eh. "Nyenyenye! Pandak ka naman tas maitim." Sa pakikipag asaran ni Athena, ay talagang nahihiya si Skylar. Totoo naman, eh, na hindi siya belong. Gan'yan mismo. Oo at ramdam n'yang hindi sya mahalaga. Mula sa labas at hanggang sa... "Jusko ka naman, Skylar! At simpleng AP, hindi mo maipa-90?! Susmaryosep, hindi ka gumaya kay Samara? Ayan at matataas ang grade!" Galit na litanya ng kaniyang ina, ikinumpara pa siya sa kapatid niyang mas bata. "Hindi ako si Sam, ma," sagot niya na lang. "Mama, nag-taka ka pa po ano? Ikaw nag-ampon d'yan eh. Malamang bobo magulang n'yan." Pa-lait na gatong nitong kapatid niya, si Sam. "Sam! Hindi ako ampon ah? 'di ba, Ma?" Sagot niya kay Sam. Kahit pa alam niyang hindi siya kakampihan ng mama niya, pu-pwede namang mag baka sakali. Pero bakit siya umasa? Pakiramdam niya, guguho ang mundo niya. Pero pinili na lamang niyang manahimik, hindi maniwala, ganoon. "Ampon ka nga yata kasi bobo ka." Ayan kasi ang naging sagot ng ina niya, ngunit sa totoo? Hindi naman siya bobo. Sadiyang hindi lang niya napag-lalaanan ng oras ang pag-aaral. Masiyado itong depressed. Oo, nakararanas siya ng depression. Sa pamumuhay niya? Hindi imposible. Sa paaralan, sa bahay, sa labasan. Malungkot ang pakiramdam niya. Paano niya ito malalagpasan? Darating ba ang tinadhana sa kaniya sa oras na hindi niya inaasahan? Ang pagkawala ba sa kaniya ng mga taong may halaga at nananatili sa kaniya ay ang hudyat ng pag suko niya? O mayroong kapalit na darating para ituro sa kaniya ang liwanag ng dilim na tinatahak niya? ✒depression✒ All in all po fictious. If you noticed some error (grammatical, typo) please correct me and understand my mistake. DISCLAIMER: This story is NOT edited meaning RAW. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidential.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD