EPILOGUE

1937 Words
Masaya. Iyan ang nararamdaman ko sa huling nakaraang tatlong buwan, ni-hindi ko kailan man inasam na magiging mabuti pa ang pakiramdam ko. Magiging masaya pa pala ako? "Hoy!" Pukaw ni Heaven sa atensyon ko dahil narealize na rin siguro niya na tulala ako. "Ano na naman," sinabi ko at umirap. Nandito kami sa puntod ni Athena, dumalaw kami rito dahil malapit na siyang umuwi. Mag tatake siya ng summer class dahil hindi siya naka graduate agad dahil may na-miss siyang sem. Pero sabi niya madali lang naman daw ayusin iyon dahil hindi pa rin nag gagraduation ang batch niya. Kaso magiging masikip ang schedule niya. Kata ngayon uuwi na muna siya sa Nueva Ecija, at bilang wala naman akong gagawin, sasama ako sa kanila ni Daddy. Hindi pa rin tapos ang sessions ko dahil minsan inaatake ako na, 'paano kung temporary lang 'to?' Pakiramdam ko mamamatay na 'ko pag binawi pa lahat ng 'to, eh. Hawak hawak niya ngayon ang pusang si Savana. Si Sam ang nag bigay ng pangalan sa kaniya, eh. Nag iisip lang ako, ito ba ang purpose ng pagkawala ni Athena? Nakita ko si Daddy na papalapit kaya tumayo na 'ko, alam mo kasing paalis na kami. Sinundo kami ng kotse ng tatay ni Heaven. Si Daddy ang nag abang sa labas kaya nang pumasok siya ay alam king paalis na kami. "Hawakan mo nga si Sav," sinabi niya dahil siya ang may hawak ng mga gamit. Kinuha ko naman si Sav at sinundan si Daddy papuntang kotse. Nilagay ko siya sa pagitan namin ni Heaven at nakita kong natulog siya roon. Dalawang buwan nang umaattend ng summer class si Heavem kaya puyat na puyat siya, kung ang mga kaklase niya ginawa ang mga gawaing ibinigay sa kaniya ng apat na buwan, siya dalawang buwan lang. Hindi naman ako tumutulong dahil nag rereview lang din ako para sa boards. Marami pa 'kong pag dadaanan para maging isang ganap na accountant pero handa akong mag hintay para roon. Sa ngayon ay mag pupursigi ako para mag aral. "Hoy," tinawag ako ni Heaven dahil nandito ako sa sofa na nag aaral. "Ano na naman?" Lagi niya kasi ako ganoon batiin. "Napasa ko na lahat! Ipa-finalize na grade ko, papasa kaya ako?" Masaya pero nag iisip pa rin na sabi niya habang nag aayos siya sa sofa. "Feeling ko, boi, hindi, no offense," sumingit si papa kaya binato siya ng sapatos ni Heaven. Hindi naman tinamaan si Daddy pero tawa nang tawa si Daddy roon. "’Pag ako, nong, pumasa..." Sabi nito at nag tapat pa ng dalawang daliri sa mata at tinapat din kay Daddy. Matapos no'n, petiks naman na si Heaven sa bahay kaya puro ako na lang ang nag rereview. Nagulat ako nang bigla siyang kumatok ng malakas sa pinto ng kwarto ko kaya agad ko itong binuksan. "Tara! Tignan natin listahan ng mga ga-graduate!" Sabi niya kaya lumabas din ako kagad at binato iyong highlighter na dala dala ko pa papuntang kama ko. Sinabi niyang kami raw muna kasi hindi niya pa kaya. Feeling niya raw hindi siya papasa. Parang... Parang wala? "Heaven, wala yata, eh," sinabi ko. Bigla naman siyang bumuntong hininga kaya binigyan ko siyang thumbs up, binatukan naman ako ni Daddy bigla. "Aw! Bakit?" "Tanga iyan, oh, Heaven Jun Velssico, Bachelor in BS Technology Engineering." Sabi ni Daddy na parang seryoso kaya tinignan ko ulit. Meron nga! "Hala, congrats!" Sinabi ko kaya tumingin ulit siya at halatang halatang tuwang tuwa. "Papa!" Biglang sigaw ni Heaven saka lumapit sa nasa likod lang naming walang emosyong papa niya. "Pa, pano ba 'yan?" Sabi ni Heaven at niyakap ang papa niya, ganoon din ang papa niya sa kaniya. Dumating ang araw ng graduation ni Heaven, ayaw niyang magpa party pero dahil hindi naman kami kasama sa graduation, habang nasa ceremony sila ay nag aayos kami. Pupunta sila Ate, Kuya, at Sam dito ngayon. "Andiyan na sila!" Sigaw ni Daddy sa mga kaibigan ni Heaven. Mga kasabay niya ito grumaduate, 'yung iba mas bata. Kanina pa naman tapos pero pumunta sila sa puntod ng mama ni Heaven. Hindi patay ang ilaw pero naka pwesto kaming gugulatin siya na maayos na maayos ang mesa at may mga pagkain. Ayaw niya kasi talagang mag handaan pa. Ilang minuto pa ang nag daan ay pumasok na nga sila kaya sabay sabay kaming sumigaw. "Graduate ka na!" Sigaw namin at saka siya hinagisan ng mga shaving cream sa mukha. Buong katawan niya ngayon ay puro shaving cream, buti hindi na siya naka toga. Nang makita niya ako ay agad napako ang tingin niya sa'kin at akma niya 'kong lalapitan pero nag tago ako sa likod ni Daddy kaya si Daddy na lang ang niyakap niya. "Tangina mo, Boi, ang lagkit ko na," sinampal siya ni Daddy na may shaving cream ang kamay. Tawa naman sila nang tawa roon. Umakyat na muna si Heaven para maligo kaya ako naman ay kumakain, iniintay ko siyang bumaba dahil dederetso uwi na 'ko. Kaya talaga pumunta rito ang mga kapatid ko para sunduin ako, malapit na kasi ako mag take ng boards. Natapos nang kumain ang mga kapatid ko at bumaba naman si Heaven kaya nag paalam na 'ko. "Aalis ka na ka agad, bruh? Teka picture muna!" Sabi niya kaya nagpapicture na rin nga muna 'ko. Umalis na kami dahil doon ako mag tatake ng boards. Babalik din naman ako kagad pagka take ko ay dito ako uuwi. Nasa sasakyan kami ni Kuya, oo, si Kuya! May sasakyan na si Kuya, nag bubusiness na kasi siya dahil business management ang kinuha niya. Mayroon na siyang... Milktea-han, sa totoo lang si Cedric din ay meron na. Ang Cedie's, pero mas mabenta ang kay Kuya. "Sana all talaga kuya, hindi mag bo-board or bar, ni-hindi ka nga nag earn ng experience," si Sam iyan. Sa aming apat siya ang pinaka mahirap na kinuhang course pero first year college pa lang naman siya dahil naabutan ng K-12. 17 years old pa lang siya. Mag e-18 na sa July. Medicine! Mag dodoctor siya, eh. Wala kahit sink sa'min ang may clue na gusto niya palang mag doctor. Pero natutuwa kami dahil nag mature na nang tuluyan si Samara. "Med pa," sabi ni Kuya. "Sasabay ako mag take kay Sky ng boards, alam niyo ‘yon?" Sabi ni Ate. Accountancy rin ang course niya noong college pero hindi siya nakatake agad ng course kasi nga napa-party siya. Bumait na rin naman at nag review. "Daan muna tayo sa shop," tukoy niya sa milktea-han niya. MariTEAs ang nilagay niyang pangalan, sira ulo lang. "Ang pangit talaga ng pangalan, Kuya, sabi sa iyo ‘wag kang mag sasa-sama kay Kuya Heaven, eh," sinabi ni Samara. Natawa naman ako roon. Si Heaven kasi ang nag suggest no'n at sabi niya hindi naman niya alam na ipapangalan nga iyon ni Kuya, nang loloko lang naman daw siya. Dunating ang araw ng board exam kaya parehas kaming kinakabahan ni Ate, pag punta namin doon ay hindi kami nag iimikan dahil kinakabahan kami pero nai-take naman ng maayos. Nakatapos ako pero hindi ako sigurado kung papasa ako kaya umuwi na ako agad sa amin, bukas na lang ako babalik ng Nueva Ecija. Nang dumating ang result, nasa bahay pa rin ako dahil nagka bagyo at hindi na muna ako pinabalik ni Daddy roon. Buong pamilya kaming nasa bahay para tignan ang result. Tumingin kami una sa apelyido nila Ate na Gonzarra at nakita ang pangalan ni Ate. Tuwang tuwa naman si Mama na niyakap si Ate. Nang pumunta sa letter M ay nag umpisa na akong kabahan. Nag salita si Sam. "Ate, bakit wala?" Ngumiti ako. Alam ko na, eh, nahirapan ako. Nakangiti pero hindi pa rin naiwasang umiyak, umiyak ako nang umitak. Nang hihinayang ako pero sana sa susunod ay makuha ko na. Nilabas pa rin ni Kuya Saji ang regalo para sa aming dalawa ni Ate kahit hindi naman ako pumasa. Laptop! Kung dati ay kay Athena lang ang nagagamit ko ngayon ay may laptop na 'ko. "Galing sa savings ni Kuya at Akin. Kaso mas malaki ambag ni Kuya!" Sabi ni Sam kaya ngumiti ako. Noong gabing iyon ay tumawag sa'kin si Heaven, siguro ay alam niya na na hindi ako naka pasa. [Hoy, okay lang ‘yan. Ang galing mo pa rin!] Sinubuksan niyang pagaanin ang loob ko kaya umiyak na naman ako. [Ay, hala ka beh, umiiyak ka?] Natawa ako sa pananalita niya pero patuloy pa rin ang mga luha ko sa pag bagsak. "Hindi, okay lang..." Mgumiti ako. An assuring smile. How I wish na makita niya iyon pero hindi pwede. [Ayos lang ‘yan, may next time pa naman!] Nanatili ang ngiti ko dahil alam kong tinatry niyang mabuti ang pagpapasaya sa'kin. Nanatili kaming nag uusap sa mga oras na iyon hanggang nakatulog ako. Nagising na lang ako nang may kumakatok sa pinto ko. Binuksan ko naman iyon at nakita ko si Sam na hinihintay ako. "Mag bihis ka raw, mag bantay ka raw ng shop ni Kuya," mag rereklamo na sana ako pero wala rin naman akong magagawa kaya tumalikod na 'ko para maligo na. "Sky," tawag niya pa ulit. Tinignan ko lang siya na nag tatanong. "Joke lang, nasa baba si Kuya Heaven." Tumawa naman siya at bumalik na sa kwarto niya. Naka ligo at naka bihis na 'ko kaya bumaba na 'ko para makita na si Heaven. Nginitian naman niya 'ko at nilapitan ko na siya. Naka tayo lang ako sa harapan niya. "Bakit ka nandito?" Tanong ko pero naka ngiti. "Wala, may session ka ‘di ba? Tara!" Umiling ako at natatawa pero totoong may session ako ngayon. Pero mamayang 3 PM pa ‘yon kaya alam kong yayayain lang naman akong gumala. Nauwi kami sa pag tingin ng puntod ni Athena. Sampung buwan na pala siyang wala. "Ang bilis," panimula ko. Naka bili na kami nang bulaklak kaya nilapag ko pagkasabi ko niyon. "Alam mo ba kung bakit kami nandito?" Tinanong ko kunwari si Athena. "Tanga, baka sumagot," sabi naman ng katabi kong papampam. "Luh, epal," at saka ako tumawa. "Kasi, gusto ko kasama ka, at nakikita mo, kung paano ako magka jowa! Malaking pagkakamali dati ang sumagot habang tulog ka." Natawa ako. Wala lang sa'kin mag salita at casual na casual pero nang lingunin ko si Heaven nag tataka siya. "Ano raw?" "Oo na, tara, punta na tayong ospital," tumawa ako. Gets naman niya iyon! "Naks may bebe na 'ko," tumawa siya nang tumawa hanggang makapunta kaming ospital. Ang oa. Ano raw'ng tawagan namin. Sabi ko wala. Ayaw ko na no'n, ang corny na. "Eh, ano nga!" Pinipilit pa rin niya 'ko hanggang papasok na kami. "Ayaw," umiling iling ako. "Edi ‘wag." Humalukipkip siya at inalis ang hawak sa'kin. Natawa ako sa reaksyon niya pero umayos din naman noong nandito na sa loob. "Sky! Good to see you but did I forgot to tell you?" Sinabi niya na nagpakunot ng noo ko. "Opo wala ka pong sinasabi, ano po ‘yun?" "You've been treated! If I'll see you again, It must be outside the hospital na, ha, see you!" Ang kasiyahan ko nang marinig iyon ay hindi ko maipaliwanag, dinagdagan pa ng kasama kong nag salita. "Natupad ko na ang pangarap ko," sinabi na lang niya bigla. "Huh? Ano 'yon?" Nakakapag taka naman kasing ngayon niya lang iyon nabanggit, akala ko ay balak niyang mag engineer? Iyon ba? "Ang makita kang maka recover, and me being a part of it. Pangarap ko 'yon, eh." Because I'm with you, I got through it. Thank you. I owe you a lot, Athena. -Skylar Joy Marina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD