Chapter 8

1653 Words
Lumipas ang mga araw na nagpatuloy ako bilang sekretarya ni Sandro sa loob ng kaniyang opisina. Pinipilit niya akong huwag nang gawin ang mga trabaho roon, pero ‘di ko siya sinunod. Hindi ako sanay sa mapagkunwaring trabaho kahit pa nga isa lang pagkukunwari ang lahat sa pagitan naming dalawa. Pagkukunwaring tanging ako lamang din ang nakakaalam at siya ang biktimang walang kamuwang-muwang sa mga pinaggagagawa ko sa kaniya. Hindi ako sinuportahan ni Alex sa plano kong paghihiganti. Bagay na ‘di ko lubos maunawaan mula sa’king kapatid. Bukambibig niya lagi na si Sandro ang lalaking magpapakalma at magpapalaya sa matinding galit sa’king puso. Bagay na malabong mangyari dahil titiyakin kong maibabalik kay Sandro ang lahat ng sakit na ipinadama niya sa namayapa kong kapatid na si Angeline. “Hon...” Tinig ni Sandro ang umuntag sa lumilipad kong diwa. “Yes, Hon?” malambing kong tugon sa kaniya sabay lahad ng kamay ko kasama ang matamis na ngiti sa’king labi. Humakbang siya patungo sa likurang bahagi ng kinauupuan ko saka yumakap sa’kin mula roon. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil pakiwari ko’y muli akong sinusundot ng aking konsensiya. Kung nabubuhay lamang si Angeline, tiyak na hindi ko ginagawa ang ganitong klaseng paghihiganti. Hindi naman ako masamang tao tulad ni Sandro na walang ibang alam gawin kundi ang manakit ng damdamin ng mga babaeng pinapaasa niya lang at sinasaktan ang damdamin. “I miss you...” malambing na bulong ni Sandro mula sa likuran ng aking tainga. Magmula ng may mangyari sa’ming dalawa ay walang oras na ‘di siya laging naglalambing sa’kin. Napaka-clingy niya, tipong madikit lang ako sa kaniya ay nauuwi na agad kami sa mainit na pagsasanib ng aming mga katawan. Wala na rin kaming pinipiling lugar dahil ultimo sa loob ng opisina niyang ito ay maalab na pagsasanib ng mga katawan namin ang aming madalas na ginagawa. Impit akong napaungol nang pumisil ang palad niya sa’king dibdib. “Sandro...” pahalinghing kong ungol. “B-baka may ma-ka-ki-ta sa’tin...” kandautal ko pang anas habang abala na rin ang kamay ko sa paggapang sa loob ng suot niyang long sleeve. Kaya kong tumbasan ang mainit na aktibidad ng katawan ni Sandro kahit pa nga magdamagan naming iyong gawin. “Ni-lock ko ang pinto,” sagot niya habang pinapaulanan ako ng maliliit na halik sa panga ko. Napalunok ako ng laway nang pumisil ang isa niyang palad sa pagitan ng mga hita ko. “You always make me hard, Hon,” paanas niyang sambit. “Ang sabihin mo sadyang malibog ka lang talaga kaya ganoon.” Mahinang tinampal ko ang kamay niya upang maalis sa pagitan ng mga hita ko. “I don't understand myself when it comes to you. Sa’yo lang naman ako ganito kabaliw at nagging labis pa ang pagkahilig.” Taimtim na tumitig siya sa’king mga mata na agad ko namang sinalubong. Tipid akong ngumiti saka marahan ko siyang itinulak palayo. “What if, hindi pala ako ang babaeng inaasahan mo?” Tumayo ako saka dinampot ang mga nakapatong na folder sa ibabaw ng table saka dinala iyon sa filing cabinet upang ipasok doon. “What do you mean by that?” Mula sa likurang bahagi ng katawan ko ay muling pumulupot ang mga braso niya sa’king baywang. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko saka marahang inalis ang kaniyang mga brasong nakapulupot sa aking baywang. “Hindi mo pa ako lubusang kilala, Sandro.” “My heart really knows you.” Muli siyang yumakap sa’kin saka ipinasayaw niya ang aming mga katawan na animo'y may malamyos na musikang pumapailanlang sa ere. “I love you, Hon...” madamdamin niyang wika na magpahanggang sa ngayon ay ‘di ko pa rin masagot-sagot. Sa tuwing ganito siya kalambing ay halos nakakalimutan ko rin ang mga planong kinakailangan kong isagawa. Nawawala ang konsentrasyon ko sa trabahong kinakailangan kong trabahuin. Naputol ang malambing naming sandali ng may kumatok mula sa likod ng pinto. Mabilis akong humakbang palapit sa pintuan upang pagbuksan ang sinumang taong nangangatok. “Naistorbo ko ba kayo?” Nakangiting mukha ng ina ni Sandro ang bumungad nang pagbuksan ko ng pintuan. “Ma?” Gusto kong matawa sa gulat na anyo ni Sandro dahil sa biglaang pagbisita ng kaniyang ina. “Why are you here? Sino po’ng kasama mo?” dagdag pa niyang tanong sa kaniyang ina. “Hindi na ba ako welcome sa sarili kong opisina?” nakataas kilay na tanong ng ginang. Kahit may edad na si Mrs. Dela Cruz, hindi pa rin aninag sa kaniyang anyo ang tunay niyang edad. Ni hindi mababakas na may dalawang dosenang anak siyang iniluwal. Sopistikada at mataray siyang pagmasdan sa unang tingin, ngunit kapag nakasalamuha mo na ay saka lamang malalaman ang tunay nitong ugali. Ilang beses ko nang nakasama ang mga magulang ni Sandro dahil sa madalas naming pagpunta sa bahay nila. Gusto niya raw kasing maging welcome ako sa kaniyang pamilya. “How are you, Iha.” Niyakap ako ng ina ni Sandro saka hinalikan sa’king pisngi. Ito ang labis na nagbibigay sundot sa’king konsensiya dahil sa tuwing gusto ko nang umpisahan ang planong paghihiganti, lagi naman nasulpot ang presensiya ng sinuman sa kaniyang pamilya. Pamilyang walang ibang ginawang masama sa’kin kundi ang mahalin lamang ako na parang bahagi ng kanilang pamilya. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi upang pigilin ang nagbabadyang pagbagsak ng mga luha mula sa’king mga mata. “Sandro!” matining na tawag ng ina niya dahilan para magmadaling lumapit sa’min ang binata. “Ano iyon, Ma?” humahangos na tanong ni Sandro sa kaniyang ina. “Anong ginawa mo kay Angela?” Sabay kaming nagkatinginan ni Sandro at pakiwari ko’y hindi niya rin alam ang ibig ipabatid ng kaniyang ina sa tanong na iyon. “Sandro!” muling tawag ng ginang na nagpaigtad sa kaniya. Niyakap ako ni Sandro sa harapan ng kaniyang ina saka dinampian ng halik sa’king pisngi. “Ma, wala pa akong ginagawa kay Angela. Bigla ka po kasing dumating, kaya hayun naunsiyami ang gagawin sana nam-- Aaggh! Aray, Hon!” Pinong kinurot ko siya sa tagilirang bahagi ng kaniyang katawan dahil sa mga pinagsasabi niya sa kaniyang ina. Humahagikhik na lumapit sa’min ang kaniyang ina saka marahang hinila ako palayo kay Sandro. Sabay naming tinungo ang couch at doon ay sabay rin kaming naupo ng ginang. “Kapag sinaktan ka ng anak ko, h’wag kang magdadalawang isip na magsabi sa’kin, Angela. Ako mismo ang gagawa ng paraan para mapalo siya,” wika ng mama ni Sandro na masuyong hinaplos pa ang mga kamay ko. Lalo kong naramdaman ang kirot sa’king dibdib. Pakiwari ko’y napakasama kong tao dahil sa ipinapakita kong pagbabalatkayo. Minsan tuloy napapatanong ako sa’king sarili kung bakit pinapahirapan ko pa ang sarili gayong wala naman na si Angeline. “Ma anong palagay mo sa’kin, bata?!” maktol ni Sandro na may kasama pang pagpapadyak mula sa kaniyang kinatatayuan. “Hindi, anak.” Taimtim na tumitig sa mga mata ko ang ina ni Sandro. “Alam kong hindi na kayo mga bata dahil kaya niyo na ngang gumawa ng bata.” Sabay na nag-init ang magkabilaang pisngi ko at tila namula pa iyon dahil sa diretsahang pahayag ng ina ni Sandro. “Naniniwala ako sa kabutihan ng puso at anuman ang nakatagong lihim ng bawat isa sa’tin ay alam kong may malalim na dahilan.” Biglang tumigil ang pagtakbo ng oras sa’king paligid kasabay nang panlalamig ng pakiramdam ko. “Mama nagiging weird ka na naman.” Natatawang umupo si Sandro sa tabi ko. “Hindi man kita totoong anak Angela, palagi mong iisipin na ina mo na rin ako at handa akong pakinggan ka sa anumang gusto mong pag-usapan nating dalawa.” Hindi ko napigilan ang sariling mapaluha. Punong-puno ng pagmamahal at tagos sa puso ang bawat salitang winika ng mama ni Sandro. At dahil sa sinabi niyang iyon ay lalo ko lamang naramdamam ang lungkot sa’king puso. “Anuman ang iyong dahilan sa bawat gawaing nais mong gawin, huwag mo sanang kalilimutan na nandito lang kami parati para sa inyong dalawa ni Sandro.” Masuyong humaplos ang hintuturong daliri ng ginang sa mga luhang umagos sa’king pisngi. “Pinaiiyak mo si Angela, Ma.” Natatawang niyakap ako ni Sandro mula sa likurang bahagi ng aking katawan. “Pasensiya ka na anak. Masyado lang akong nadadala ng emosyon. Hindi ko lamang maiwasang malungkot at maalala mula sa’yo ang nakaraang ginawa ko sa papa ninyo,” natatawang turan ng mama ni Sandro. Tila sinisilihan naman ang pakiramdam ko at parang gusto ko na rin umalis sa harapan nito upang tuluyang ikubli ang aking sarili mula sa kaniya. Sapul na sapul ako sa mga sinabi ng ginang at alam kong may nalalaman siya dahil na rin sa paraan nang pagkakatitig niya sa’kin. Batid kong may gusto siyang tukuyin, ngunit ‘di niya lamang magawang sabihin at mukhang nag-aalangan siyang gawin dahil sa ayaw niyang masaktan ang kaniyang anak. “Masyadong seryoso ang mga sinasabi mo Ma, pero salamat po. I really appreciate it!” Naramdaman ko ang masuyong pagyakap sa’kin ni Sandro kasabay nang paghagod ng kamay niya sa’king braso. “Ma, huwag mo kami masyadong alalahanin ni Angela dahil ang sigurado ay bibigyan namin kayo ng maraming apo kagaya nang ginawa ninyong dalawa ni papa,” natatawa pang saad ni Sandro sa kaniyang ina. Sunod-sunod na mura ang inani ni Sandro mula sa kaniyang ina na tinugon lang din naman niya ng malakas na halakhak dahilan para mawala ang nakaiilang na atmospera sa paligid. Tumayo ang mama niya mula sa pagkakaupo sa couch saka inaya kaming kumain sa labas. Nang hindi kami gumalaw na dalawa ni Sandro, hinawakan ako sa kamay ng kaniyang ina kasabay ng mga salitang ibinulalas nito na lubusang nagpangiti sa’kin. “Huwag mong hayaan ang anak ko na parati ka niyang pinapaungol. Hayaan mo siyang sakitan ng puson paminsan-minsan.” “Ma!” nakasimangot na maktol ni Sandro sa kaniyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD