Chapter 2 - Cravings and Madness

1997 Words
[THROWBACK] Inuwi ni Tyler si Kiel sa bahay nila dahil sa sobrang kalasingan. Nang mga panahong iyon ay nasa Baguio ang mommy at daddy niya kaya madali lang niya naipasok si Kiel sa bahay nila. "Kiel 'wag ka magpabigat!!" pagrereklamo ni Tyler. Inupo muna ni Tyler si Kiel sa hagdanan at nag-isip kung paano niya ito iaakyat. Sinubukan ni Kiel itayo ang sarili niya at inalayan siya ni Tyler paakyat. Pagdating nila sa taas ay humiga sa sahig si Kiel. "Anubanaman 'yan... seriously?! Kung kailan malapit na tayo, 'dun mo pa naisipang humilata diyan?!" pagrereklamo muli ni Tyler. "Alright, Kiel help me pick yourself up... ang bigat mo shuta ka!" Tyler exclaimed hanggang sa nakarating sila sa kwarto niya. Hiniga ni Tyler si Kiel sa kama niya, binuksan ang aircon, at pinunasan muna niya ang katawan nito. Nanginginig pa si Tyler habang binubuksan ang botones ng pantalon ni Kiel. "OMG 'bat ka nanginginig Tyler... pinupunasan mo lang naman siya...??" pagtataka ni Tyler sa ginagawa niya. Pinagmamasdan ni Tyler ang kabuuan ni Kiel habang nakangiti siya. "Alam mo matagal ko nang gustong umamin sa'yo kaso natatakot ako na pag nalaman mo baka iwan mo ko..." bulong ni Tyler kay Kiel. Tinuloy na ni Tyler ang pagpupunas niya kay Kiel. "Here goes nothing... but I think what matters is inasikaso kita... alam mo if I just don't feel anything for you, iniwan na kita sa bangketa..." pagbibiro ni Tyler. Natulog si Kiel na boxers lang ang suot niya. "Feeling ko aawayin mo ko bukas, pero 'di ako papayag na mangamoy pawis at kalsada ang bed ko..." bulong ni Tyler sa sarili niya. Pinagmasdan muli ni Tyler si Kiel habang ito'y tulog. "Ang pogi mo naman matulog, ang manly ng figure mo... but you know what I even liked about you? Is that you never left me fighting alone, that you always protect me, and you always stay by my side... you can't blame me if I loved you more than being best friends..." Natulog na si Tyler at sa kakalikutan niyang matulog ay 'di niya namalayan na nakapatong na ulo niya sa dibdib ni Kiel at nakapulupot na ang mga kamay neto sa kaniya. Hanggang sa nagising si Kiel at nakita kung sino ang katabi niya. Napatayo nang wala sa oras si Kiel sa kama ni Tyler. "Hoy! Hoy! Tyler!!" Pagsigaw ni Kiel kay Tyler. Bumangon si Tyler na wala pa sa kaniyang katinuan. "Anong ginawa mo sa'kin, why am I wearing boxers only?! What the f**k?! Sumagot ka!!" Galit na galit si Kiel kay Tyler. "Nothing, I just took care of you while you were so drunk last night..." pagpapaliwanag ni Tyler. "Took care?! Bullshit! Eh bakit ka nakahiga sa dibdib ko?! Care to explain?! Best friend mo ko at sana naman alam mo sa sarili mo kung hanggang saan ka lang lulugar!!" galit na galit na ang tono ni Kiel. "Why are you finding fault at me like I've done a serious crime?" Naluluha na ang mga mata ni Tyler. "Best friend ba talaga kita, bakit parang wala kang tiwala sa'kin?" Pagtatanong ni Tyler. "Dahil ba bakla ako?" pagdugtong ni Tyler. Hindi umiimik si Kiel sa tanong ni Tyler sa kaniya pero kitang-kita ang galit na galit na mukha nito. "So kung babae pala nag-uwi sayo, papayag ka na ganito ka gigising?" hanggang sa tumulo na ang luha ni Tyler. "Alam ko sa sarili ko na matagal na kitang gusto, but it doesn't mean na may gusto akong gawin sa'yo na kabalastugan!" pagsigaw ni Tyler. "Anong sabi mo?! Ulitin mo nga sinabi mo!" Naghihimutok na sa galit si Kiel. "Ayoko na ulitin yung sinabi ko, narinig mo naman lahat ng 'yun..." natatakot si Tyler sa mukhang pinapakita ni Kiel sa kaniya. "Simula ngayon ayoko nang makita yang pagmumukha mo, ayoko na makipag-usap sayo, at lalong ayoko nang lumapit sayo! Nakakadiri ka!! Simula ngayon pinuputol ko na ang pagkakaibigan natin!" paglalabas ng galit ni Kiel kay Tyler. "Kiel, please 'wag... don't do this to me please!" pagmamakaawa ni Tyler. "Wag ka nang magpapakita sa'kin kahit kailan! Nasusuklam ako sayo! Hindi ko alam kung bakit pa kita naging kaibigan!!" pagsigaw ni Kiel nang masasakit na salita kay Tyler. ------------------------------------------------------------ Inalala ni Kiel lahat ng naganap nung araw na lasing siya at nakatulog sa bahay nila Tyler. "Humanda ka sa'kin Tyler, subukan mo lang talaga ako at hinding-hindi kita titigilan hangga't sa di ka nawawala sa landas ko!" pabulong na pagbabanta ni Kiel. Tumawag ang best friend ni Kiel na si Gyrell. "Uy bro!" pagbati ni Gyrell. "Bakit pre?" tanong ni Kiel. "Musta ka diyan? Balita ko magkapareho kayo ng condo ni Tyler ah?" pagkumpirma ni Gyrell kay Kiel. "Paano mo nalaman?" pagtataka ni Kiel. "Nagkita kami kanina ni Tyler, tinanong ko siya kung saan siya tutuloy... tapos ayan sinabi niya yung pangalan ng condo kung saan ka ngayon..." pagpapaliwanag ni Gyrell. "Siraulo ka! Bakit di mo sinabi sa'kin kanina?" biglang nainis si Kiel. "Eh nakalimutan ko... atsaka tinawagan kita kanina 'di mo naman sinagot!" pagdepensa ni Gyrell sa sarili. "Ah may ginagawa kasi ako kanina..." pagpapalusot ni Kiel. "Nagkita na ba kayo?" tanong ni Gyrell. "Di pa at wala akong balak makipagkita sa hinayupak na 'yun!" pagalit na pagsisinungaling ni Kiel. "Ito naman masyadong high blood, o tara na kain na lang tayo ng lunch... kita tayo sa uni-park!" pag-aya ni Gyrell. "Sige magbibihis lang ako... kita na lang tayo dun..." binaba na ni Kiel ang tawag. Paalis rin si Tyler upang pumunta ng bangko kaya agad rin siya nagbihis. Lumabas na si Kiel ng unit niya at naghintay ng elevator. Sumunod na lumabas si Tyler at nagmamadali, tumakbo siya at naabutan ang elevator na papasara pa lamang. Hindi niya napansin na kasabay niya si Kiel na siya namang naktalikod sa pintuan ng elevator. Napaharap sila ng sabay sa isa't isa. Napaatras ng kaunti si Tyler sabay tili. "AAAAAHHHHHH!!" pagsigaw ni Tyler na ikinagulat rin ni Kiel. "Anong tinitingin-tingin mo diyan?!" pagalit na tanong ni Kiel. "Bakit ka nandito?!" pagtatanong ni Tyler. "Tanga mas nauna ako sayo dito!" pagdepensa ni Kiel sa sarili niya. Pagbaba nila ng isang floor ay may anim na sumakay at ang isa pa ay may dalang stroller. Napaatras si Tyler papunta sa tabi ni Kiel. Ang awkward ng ganap sa kanilang dalawa sa loob ng elevator. Hindi rin mapakali si Kiel dahil sa sobrang lapit ni Tyler sa kaniya. Nilabas ni Tyler ang lip balm niya at binuksan ang front cam ng cellphone niya. "Tanga-tanga naman nito may salamin naman sa likod namin!" paglalabas ng saloobin ni Kiel sa isip niya habang nakatingin siya ng masama kay Tyler. Napatingin si Tyler sa kaniya at inirapan siya nito. "Ba't kaya ako tintignan ng bakulaw na 'to?" pagtataka ni Tyler sa kaniyang isipan. "Kung saan ako, sunod naman ng sunod 'tong bwiset na 'to, sarap sikmuraan!" Pagrereklamo ni Kiel sa isipan niya. "Sarap tusukin mata neto, kung makatingin kala mo naman siya may-ari ng elevator na 'to!" pagrereklamo rin ni Tyler sa isipan niya. Hanggang sa paglabas nilang lahat sa elevator ay parang binabasa nila ang isipan ng isa't isa. "Pwede ba 'wag mo kong sundan, naiirita na ko sayo ah!!" 'di na napigilan ni Kiel na komprontahin si Tyler. "Excuse me, sinusundan ba kita? Eh ako nga unang lumakad papalayo sayo!" Pagsagot ni Tyler kay Kiel. "At bakit naman kita susundan?! Ano akala mo sa'kin tuta mo?! Feelingero amputa!" Dagdag pa ni Tyler. Napahinto si Kiel dahil wala na siyang mabuga kay Tyler. "s**t, did he just roast me?!" pagkagulat ni Kiel sa ginawa ni Tyler sa kaniya. Nagpunta na si Kiel sa university park at nakita niya na roon si Gyrell. "Pre ba't antagal mo?!" pagtataka ni Gyrell may Kiel. "Ang talim kasi ng dila mo eh, tinanong mo pa kasi kung nagkita kami ni-" naputol ang pagsasalita ni Kiel nang sumingit si Gyrell. "So nagkita nga kayo?!" pang-aasar na tanong ni Gyrell. "Oo at nagkasabay pa kami sa loob ng elevator!" painis na sagot ni Kiel kay Gyrell. "O, ano naman?" pagtataka ni Gyrell. "Anong 'ano naman' pinagsasabi mo diyan. Eh ayoko kay Tyler!" pagsagot ni Kiel. Gyrell smirked at him. Pumunta si Tyler sa college faculty niya pagkatapos mag withdraw ng pera upang ipangbayad sa kaniyang tuition at dorm. Ibinigay na rin niya sa registrar lahat ng required documents niya at umalis na nang makuha ang resibo. "Tyler! Tyler!! Tyler Andrei! Hoy babaita!" Sigaw ni Kurt. Hinabol at hinampas niya si Tyler sa balikat. Tinanggal ni Tyler ang suot niyang airpods at tumalikod. "Shuta ka bakla, kanina pa kita tinatawag!!" Gulat na gulat si Tyler nang makita niya ang isa sa mga best friends niya. "Bakla ka dito ka rin mag-aaral?!" Tanong ni Tyler. "Oo beh, kumpleto tayo ngayon dito!" masayang pagbalita ni Kurt kay Tyler. "Gaga akala ko ba hiwa-hiwalay tayo ngayon?!" pagtataka ni Tyler. "Nilunok na namin yung napag-usapan beh!" sabay hampas ulit ni Kurt sa balikat ni Tyler. "Mukha nga, kasi pagtalikod ko sayo mukha kang nabiluakan sa plema mo!" pang-aasar ni Tyler. "O ano may nakita ka na bang papabol? Ako meron na at friends na kami sa f*******:!" pagtatanong ni Kurt. "Bakla ka ng taon ang harot mo nanaman! Sino nanaman yang 'papabol' mo?" pagtatanong ni Tyler. "Gaga ka ayoko nga pakita mamaya agawin mo pa!" pag-iwas ni Kurt sa tanong ni Tyler. "Gaga ka magkwekwento ka tapos mambibitin ka lang rin! Shuta ka talaga kahit kailan! Patingin na!" pamimilit ni Tyler. "Ayan na beh... o ang pogi diba?" pinakita ni Kurt kay Tyler ang picture ng 'papabol' na sinasabi niya. "O bat natulala ka na diyan? Bakla ka baka mamaya tinitigasan ka na diyan ah!" pang-aasar ni Kurt kay Tyler. "Parang kilala ko 'to..." iniisip ni Tyler kung saan niya huling nakita ang lalaki sa picture. "Kilala who? Yan? You know him?" tanong ni Kurt. "I'm pretty sure I've seen him already, not just once pero maraming beses na..." pero 'di pa rin sigurado si Tyler. "Sis gutom lang yan, come on let's find something to eat..." alok ni Kurt. "But I already ate na..." pagtutol ni Tyler. "Then you eat again kahit konti, just go with me... please?" pamimilit ni Kurt. "Fine!" at napapayag niya si Tyler. "Magkita na lang raw tayo nila Ben, Santi, at Jessica later sa resto..." "Alright!" napapayag naman ni Kurt si Tyler. Naglakad na sila palabas ng university at pumunta sa resto na pagkikitaan nilang magkakaibigan. "Tyler?!" Santi being shocked after seeing him. "Well, you still look the same..." dagdag ni Santi. "Luh, gulat na gulat ka mhie?" natawa na lang si Tyler kay Santi. "'Di mo sinama jowa mo?" tanong ni Tyler kay Benzon. "Wala lang..." yun lang ang sinagot ni Benzon. "Ano? Bakit nga?" pamimilit ni Tyler. "Ano bang pake mo? You wanna know why? It's because of you!!" sinisi ni Benzon si Tyler. Pinipigilan ni Tyler matawa at ang iba nilang kasama ay gulat na gulat sa narinig nila. "Woah, that's a serious confession, why don't we just eat it out?" alok ni Kurt sa mga kaibigan niya. "Why don't he just leave us alone?" patama ni Benzon kay Tyler. "Ben can you stop being so petty?!" Jessica exclaimed. "Petty? Tyler is stealing my limelight sa jowa ko and you call that petty?!" Ben argues with Jessica. "You know what, since I already ate naman na and it's actually good seeing you guys, I'll just go ahead... ayoko magsimula ng gulo ngayon..." pagpaalam ni Tyler at saka umalis na. Pinagtitignan ni Kurt, Santi, at Jessica ang dalawa. "Please don't give me that look, you are all trying to invalidate my feelings right now..." at nanahimik na lang si Ben. "I'm not even sayin' anything..." pagsagot ni Kurt kay Ben. "Why are we not knowing anything that they have issues?" pagbulong ni Jessica kay Santi. "I don't know... hayaan na lang natin sila mag-usap whenever they wish to..." pagsagot ni Santi ng pabulong. "Halika na pumasok na tayo, nagugutom na ko!" Pag-aya ni Kurt sa mga kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD