CHAPTER 2
Grace's POV
NAKANGITING nilapitan ko ang aking room mate s***h best friend na si Jewel. Kasalukuyang nagtutupi s'ya ng mga nilabhang damit sa ibabaw ng kanyang kama.
"Mare, may good news ako sa'yo!" masaya kong saad.
"Ano naman iyon?"
Nakangiting naupo ako sa tabihan n'ya. Hinawakan ko din ang kanyang braso para pansamantalang istorbohin s'ya sa kanyang ginagawa.
"Promoted na ako as Operations Manager!"
Nagliwanag naman ang kanyang mukha. "Talaga? Congratulations mare!"
"Thank you. Alam mo naman na ang tagal ko din pinangarap na ma-promote."
"Bilib na talaga ako sa'yo Grace! Ang hirap kaya ng promotion sa BPO lalo na kung wala ka namang tinapos na college degree."
"Kaya nga," hinawakan ko pa s'ya sa magkabilang balikat. "Dahil masaya ako, ililibre kita ng dinner!"
"May beer ba na kasama iyan?"
Natawa naman ako. Lasenggera talaga ang babaeng ito.
"Oo naman! Kaya bilisan mo d'yan at mag-ready ka na."
Bigla naman n'yang itinapon ang ilang damit na nasa kama. "Pwede naman bukas na lang itong ginagawa ko! Minsan ka lang manlibre kaya go na ako."
Natatawang tumayo ako saka kumuha ng tuwalya. "Kung ganoon, maliligo na ako. Ikaw din, ihanda mo ang pinakamaganda mong damit dahil manlalalaki tayo!"
Inirapan naman n'ya ako sabay bato ng shampoo. "Kung makapagsalita ka ay para kang walang boyfriend."
Natawa naman ako. "Sino ba'ng maysabi na para sa akin ang lalaki? Para sa'yo 'yun mare!"
Nanlisik naman bigla ang kanyang mga mata. Humahalakhak na tumakbo ako sa banyo at mabilis na isinara ang pinto.
"Hanggang ngayon yata ay bitter pa din s'ya kay Alex," naiiling kong bulong habang naghuhubad. "Hay naku Jewel, ang tagal mo nang single."
Kaya siguro allergic s'ya sa tuwing lalaki na ang aming topic. Mula nang maghiwalay sila ni Alex, ang kanyang childhood sweetheart, ay hindi na muli s'ya nagpaligaw. Tatanda s'yang dalaga 'pag nagkataon.
MATAPOS kumain ay sa isang bar kami dumiretso. Pasado alas nueve na ng gabi at kakaunti pa lang ang mga nagpa-party. Sa sulok kami pumwesto, malapit sa DJ.
"Para sa promotion ko!" itinaas ko ang bote ng beer.
"Para sa promotion mo!"
Nakangiting luminga ako sa paligid habang hawak ang bote ng beer. Hahanap ako ng gwapong lalaki na babagay sa kaibigan ko.
"Hoy Grace, sino ba ang hinahanap mo? Kanina ka pa palinga-linga."
I rolled my eyes and looked at her. "Hinahanapan kita ng boyfriend."
Sakto naman na umiinom s'ya kaya bigla s'yang napaubo. Muntik na akong matawa sa reaksyon n'ya.
"Hindi ka talaga susuko ano?"
Nagkibit balikat naman ako. "It's been two years mula nang maghiwalay kayo ni Alex, wala ka ba'ng balak na pumasok muli sa relasyon?"
"Bakit ako na naman ang nakita mo?"
"Well," nagsindi ako ng sigarilyo. "Una, hindi na tayo mga bata."
"Twenty four pa lang ako mare," natatawa n'yang saad. "Hindi ako nagmamadali."
May point naman s'ya. Nakalimutan ko na mas bata nga pala s'ya sa akin ng dalawang taon. Okay, given na bata pa s'ya pero hindi pa din ako susuko. It's because I witnessed how she cried when Alex broke up with her. I also saw how she starve herself to death that time when she was still moving on.
Hindi lang iyon ang mga hirap na dinanas n'ya, nililimitahan din n'ya ang sarili sa mga bagay at pagkain na gusto para makapagpadala ng pera sa probinsya. Kaya siguro ipinagpalit s'ya ni Alex sa iba, dahil nakakalimutan na ni Jewel na ayusin ang kanyang sarili.
Umusod ako sa tabi n'ya. "Hindi ka ba naiinggit? Look at me, I'm happy with my relationship with Kenneth."
Tinaasan naman n'ya ako ng kilay. "Happy ka ba talaga?"
Ako naman ang napasimangot. "Oo naman!"
"Kaya pala sa tuwing mag-aaway kayo ni Kenneth ay lagi kang suicidal."
Ako pa talaga ang inintriga. Aaminin ko na umiiyak talaga ako ng bongga kapag may mga bagay kaming hindi pinagkakasunduan ni Kenneth. Pero parte lang naman iyon ng relasyon, mas pagtitibayin kayo ng mga away.
"Hindi ako ang topic dito Jewel," inabutan ko ulit s'ya ng beer. "Natatandaan mo ba si Camille?"
Saglit naman s'yang nag-isip. "Iyon ba ang isinama mo minsan sa apartment?"
Tumango ako. "S'ya nga."
"Ano ang meron sa kanya?"
Ngumiti ako. "Ikakasal na s'ya next month!"
Nakita ko naman na bahagya s'yang nagulat. "Teka lang, parang three months ago ay single pa ang babaeng iyon ah!"
Hindi ko naman masisisi si Jewel kung ganito ang reaksyon nya. Ilang beses ko na din kasi naikwento sa kanya si Camille at tama s'ya, three months ago ay single pa din ito.
"Sinwerte ang loka," saad ko. "Nakakilala s'ya ng yummy na amerikano sa dating app at mahilig sa exotic beauty ang papa n'ya kaya hayun, after three months magpapakasal na sila."
Nagulat naman ako ng bigla s'yang tumawa ng malakas. Hinampas pa n'ya ang lamesa na parang joke ang sinabi ko. Kumunot ang noo ko, lasing na ba s'ya agad?
"Sorry ha," aniya. "Hindi sa nakakatawa iyang office mate mo pero hindi lang ako makapaniwala na ikakasal kaagad s'ya. Imagine, three months pa lang mula nang makilala n'ya iyong lalaki."
"Mahal nila ang isa't isa. Hindi naman nasusukat sa tagal ng pinagsamahan ang pagdedesisyon na magpakasal eh."
"Kamusta naman kayo ni Kenneth? Hindi ba at tatlong taon na kayo? Bakit hindi pa kayo magpakasal, nadadaig ka tuloy ni Camille."
Ngali-ngaling batukan ko ng malakas itong kaharap ko. Hindi ko alam kung inaasar n'ya ba ako o sadyang bitter lang s'ya sa ganitong usapin.
"Magkaiba kami ni Camille," sagot ko. "May mga individual goals pa kami ni Kenneth, at saka hindi kami nagmamadali."
"Sinabi mo eh," nagkibit-balikat pa s'ya. "Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganoon kabilis. Opinyon ko lang ito, nakilala n'ya sa dating app iyong lalaki 'di ba?"
Tumango na lang ako.
"'Di ba kapag ganoon ay dapat kilalanin mo muna ang lalaki? Hindi mo naman makikilala ang isang tao sa loob lang ng tatlong buwan."
May point naman s'ya doon. Pero sino ba kami para kwestyunin ang desisyon ni Camille. Binalingan ko na lang muli ang mga tao na nasa paligid. Dumarami na ang mga nagpa-party at karamihan ay mga kabataan pa. Napasimangot ako. Wala kasi akong makita na lalaki na pwede kong iset-up dito sa kasama ko.
Sinulyapan ko si Jewel na busy sa paglaklak habang inaalog-alog ang ulo sa pakikinig ng malakas na music. All I want is for her to be happy. Alam ko na nagkukunwari lang s'ya na okay lang s'ya sa tuwing ganito ang usapan.
Paano pa kapag nalaman n'ya na ikakasal na si Alex sa babaeng ipinalit sa kanya? Baka magbigti ang bruhang ito.
Kaya ito ang naisip ko.
Mahal na mahal n'ya kasi si Alex. Ramdam ko iyon sa tuwing nagkwekwento s'ya tungkol sa love story nila ni Alex na mala-Romeo and Juliet. At nararamdaman ko din na deep inside ay umaasa s'ya na magkakaroon pa sila ng second chance ni Alex.
Napabuntong hininga ako. Kaya humahanap ako ng lalaking magugustuhan n'ya, para malaman man n'ya ang tungkol sa kanyang first love ay hindi na s'ya gaano masasaktan.
Bigla naman akong may naisip. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone para i-chat si Camille. Bakit hindi ko ito naisip noon pa? Pwede naman siguro ako makahanap ng lalaki thru dating app din.
Habang hinihintay ang reply ni Camille ay muli ko syang binalingan. "May naisip lang ako mare."
"Ano naman iyon?"
"Paano pala kung magaya ka kay Camille? Let's say may nakilala ka dito na guy at niyaya ka din magpakasal after couple of months?"
Tumawa naman s'ya na parang nang-iinsulto. "Ako? Magpapakasal sa lalaki na kakakilala ko lang? Come on Grace, kilala mo ako."
Nalukot ko ang aking ilong sa sinagot n'ya. Fan nga pala ng true love ang babaeng ito. Naniniwala s'ya na kailangang perpekto at makapag-damdamin muna ang isang relasyon bago n'ya ikonsidera ang pagpapakasal.
Hopeless romantic 'ika nga.
Narinig ko naman na tumunog ang aking cellphone. Mabilis kong binasa ang reply ni Camille, nakasulat sa mensahe n'ya ang dating app na ginamit n'ya. Muli ay sinulyapan ko ulit si Jewel. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko.
I decided to download the app and create a profile under her name. Naghanap din ako ng picture n'ya sa f*******: kung saan nakaayos s'ya at nakasuot ng magandang damit.
Tinapik ko s'ya. "Pupunta lang ako sa CR ha?"
Tumango lang s'ya. Tumayo na ako at nagtungo sa CR saka nag-lock sa loob ng isang cubicle. Naupo ako sa toilet bowl habang inaayos ang profile ni Jewel.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalagay ng iba lang information nang may notification na tumunog.
You and Mr. R matched!
Napangiti ako nang makita na nag-match si Jewel at Mr. R sa paboritong pagkain. Excited na binuksan ko ang profile ni Mr. R.
"Bakit walang ibang pictures?" bulong ko habang nagii-scroll. "Tapos ang profile picture n'ya ay lalaking naka-coat and tie lang, hindi naman kita ang mukha."
Hindi naman ako inosente sa mga ganitong dating app. Marami daw nagkalat na poser account, o iyong mga tao na naga-upload ng picture kahit hindi sila iyon.
"Let's see," pinindot ko ang isang link.
Name: Mr. R
Occupation: Businessman
Tumaas ang aking kilay. Businessman daw? Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
Looking for: Wife
Kamuntikan na akong mahulog sa aking kinauupuan. Naghahanap daw ng mapapangasawa si Mr. R? Bigla kong naalala ang malungkot na mukha ni Jewel at ang nakangiting si Alex.
Wala naman sigurong masama kung kikilalanin ko ang misteryosong si Mr. R bago ko sya i-set up kay Jewel.
Nakangiting nag-send ako ng friend request bago ako nagdesisyon na bumalik sa aming table.
Ipagpapatuloy...