CHAPTER 15
ILANG sandali ang lumipas at naramdaman ko na ang pag-angat ng sinasakyan naming eroplano. Bahagya din akong nakaramdam ng paninibago dahil ito ang unang beses na nakasakay ako ng private plane. Iilan lang kaming nasa loob at napakaluwang pa ng space.
Sinulyapan ko naman si Roie na kasalukuyang may kaharap na laptop. May salpak na earplugs din sa kanyang tainga habang may binabasa. Bakit n'ya ako tinutulungan? Hindi kami close. Hindi maganda ang una naming pagkakakilala. I treated him badly. Nilait ko s'ya at kinaiinisan ng walang sapat na dahilan.
I honestly hate the way he flex all his riches. 'Di ba tinawag n' ya din akong mahirap? Nakakaalibadbad ang pagiging prangka n'ya. Pero heto, walang pagdadalawang isip na tinutulungan n'ya ako. He made everything possible within couple of hours! Ano'ng gagawin ko kung wala s'ya ngayon?
"Miss," isang babae ang sumulpot sa tabi ko. Sa tingin ko ay isa s'ya sa mga staff ng eroplano.
"Yes?" tanong ko.
Iniabot naman n'ya sa akin ang hawak n'yang paperbag na kulay ginto. Nagtataka namang tinanggap ko iyon.
"Ano ito?"
She smiled. "Magpalit daw kayo ng damit sabi ni Sir Roie."
Lumipad muli sa gawi ni Roie ang aking mata. He's still busy reading something from his laptop while banging his head lightly.
"Dito po ang daan papunta sa CR," saad ng babae.
Naaasiwang tumayo na lang ako. Doon ko lang napansin na basa pa din ang suot ko. Maging ang coat ni Roie ay suot ko pa din pala.
Sa tapat ng isang pintuan n'ya ako dinala. Nang makapasok ako ay halos lumuwa ang aking mata sa ganda ng banyo ng eroplano. Para akong nasa mamahaling hotel! Napailing na lang ako. I decided to undress myself and change my clothes. Natigilan ako nang makita ang laman ng paperbag.
"Hah!" natatawang itinaas ko ang isang bestida. "Hindi man lang sila nag-abala na tanggalin ang tag!"
Hindi ko na tiningnan ang presyo ng damit dahil siguradong mamahalin din iyon kagaya ng pinaglagyan n'on. I decided to wear the dress printed with florals.
Nang makuntento ay lumabas na ako bitbit pa din ang paperbag na naglalaman ng basa kong damit. Kamuntikan naman akong mapatalon nang pagbukas ko ng pinto. Nakatayo doon si Roie.
Napahawak naman ako sa aking dibdib. "Ginulat mo naman ako!"
I saw him scratch his nose. Hindi man lang s'ya nagsalita bagkus ay tiningnan n'ya lang ako mula ulo hanggang paa.
"May sasabihin ka ba?" untag ko.
"Ah—i-itatanong ko lang kung s-sa ospital ka na didirerso paglapag n-natin."
Kumunot naman ang aking noo. Nauutal ba s'ya? Saka sinabi ko na sa kanya kanina na sa ospital nha ako dideretso. Lihim naman akong napangisi. Maganda ba ako sa suot ko ngayon?
"Oo," sagot ko. "My father needs me, so I need to be there as soon as possible."
Para naman s'yang hindi mapakali. Naging malikot din ang kanyang mga mata na parang iniiwasan na mapatingin man lang sa akin. Tumaas naman ang isa kong kilay. He's acting weird now.
"May sasabihin ka pa ba?" tanong ko muli. "Kung wala na, babalik na ako sa aking upuan para makaidlip man lang."
"W-wala na, iyon lang." mabilis na nilampasan n'ya ako.
Napasunod na lang sa kanya ang aking paningin. Pumasok lang s'ya sa isang pintuan na naroon. I just shrugged. Bumalik na lang ako sa aking upuan para makapagpahinga man lang.
Roie's POV
KAAGAD akong napahawak sa aking dibdib nang maisara ko ang pinto. Napangiwi din ako nang maramdaman ko ang mabilis na t***k ng aking puso. Okay lang naman ako kanina ah! Bakit nang makita ko si Jewel ay nagkaganito na ako?
The image of her bare shoulders flashed in my mind. Maging ang hita n'ya na expose na maikling bistida ay pumasok din sa utak ko.
"Aargh!" napasabunot na lang ako sa aking sarili. Mas bumilis kasi lalo ang t***k ng puso ko.
I immediately grabbed a bottle of water and drank it. s**t! May problema na din ba ako sa puso?! Should I also see a cardiologist? Yeah. Maybe I should. I should note it down. Bibisita ako sa kaibigan kong doktor pagkatapos nito.
Nanlalambot na naupo na lang. I thought that I only have problem with my brain. Ngayon ay may problema na din yata ako sa puso. Natawa na lang ako. Ah, I'm going crazy!
Tila mas lumalala pa ako. I thought that I can get her out of my mind. Pero kabaligtaran ang nangyayari! She's invading my system and I don't like it a bit.
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang aking sarili. "Calm down Roie, calm down."
Ilang minuto yata ang lumipas bago ko naramdamang bumalik na sa normal ang t***k ng aking puso. I decided to fix myself before going back to my seat. Nang naroon na ako ay nakita ko ang natutulog na si Jewel.
Wala sa loob na napatigil ako sa tapat n'ya. I swallowed an invisible lump upon seeing her. Bahagya din natatabingan ang kanyang mukha ng ilang hibla ng buhok.
"Tsk!" I reached her face to fix her hair but my hands froze in the mid air. What the hell am I doing?
Mabilis kong binawi ang aking kamay nang bahagya s'yang kumilos. Akala ko ay nagising s'ya pero mukhang malalim ang kanyang tulog. I looked at my hand. What's happening to me?
"I'LL JUST give you a call," saad ko sa aking assistant bago bumaling kay Jewel. "Let's go?"
Bahagya lang s'yang tumango saka nagpatiuna palabas ng airport. I just followed her without saying a word. Mula nang lumapag ang sinakyan naming eroplano ay naging tahimik na naman s'ya.
"Welcome Sir Roie," saad ng isang lalaki na mukhang bouncer. He's standing beside a black limousine.
Kumunot naman ang aking noo. "Kayo ba ang pinadala ng agency?"
Umiling naman s'ya. "We were sent by Mr. Hyun."
"Si Andrei?" ulit ko. Paano nalaman ng gunggong na iyon na narito ako?
"May problema ba?" narinig kong tanong ni Jewel.
"Just a moment," iniwan ko si Jewel saka lumapit sa lalaki. "Did you just said Andrei sent you here?"
"Yes sir."
"How come? Paano n'ya nalaman na narito ako?"
Mas lalo akong naguluhan nang iabot n'ya sa akin ang isang cellphone. Nagtatakang inabot ko na lang iyon saka idinikit sa aking tainga.
"Hyun," malamig kong saad.
"Lee."
Bahagya naman akong natawa. Ilang taon ko din hindi narinig ang boses ng kumag na ito ah!
"Paano mo nalaman na narito ako?" tanong ko.
"Well, you're in my territory and one of my people saw you earlier."
Nawala iyon sa utak ko. Teritoryo nga pala ni Andrei ang lugar na ito. Ang probinsya ni Jewel. Nilingon ko naman si Jewel na mukhang clueless pa din.
"May balak ka pa ba'ng magpakita sa amin?" tanong ko ulit.
Narinig ko naman ang mahina n'yang pagtawa. "Bakit? Miss n'yo na ba ako?"
"In your dreams!"
Muli ay natawa na naman s'ya. "Ikamusta mo na lang ako sa kanila. May inaasikaso pa ako kaya hindi ako makadalaw sa inyo."
"Ano naman iyon?"
"Well, let's just say that I'm in a mess right now."
Natigilan naman ako. "Do you need our help? I can contact Grey right away."
"Nah! It's not the way you think it is. Basta, saka ko na sasabihin. Kailangan ko lang matakasan ang makulit na babaeng hindi mawala sa landas ko."
Babae? May girlfriend na si Andrei? Himala yata.
"I know what you're thinking asshole," aniya. "She's not my girlfriend."
I scoffed. "Yeah right. I know you, hindi ka papahuli ng buhay."
Muli ay tumawa lang s'ya. "I'll see you soon. Kamusta na nga pala sila?"
Kahit hindi n'ya ako nakikita ay nagkibit balikat ako. "Bihira naman kaming magkita ni Grey. Si Frost naman ay parang kabute na susulpot lang kung kailan n'ya gusto."
"Si Lecter?"
"Ewan, baka alam ni Grey kung nasaan iyon."
"I see, maybe he's back in the dark again."
"Baka."
"Okay. Enjoy your stay here. Ang tauhan ko na ang bahala sa inyo ng kasama mo."
"What?!" napatingin muli ako kay Jewel. Pati ba iyon ay alam n'ya?!
"Careful my friend, women are dangerous monsters."
"The f**k you're saying—hello?" busy tone na ang aking narinig. "Hyun?!"
Napatingin na lang ako sa screen ng cellphone. Did he just f*****g hung up? Ibinalik ko na lang iyon sa lalaking nasa harapan ko.
"Let's go Jewel," tawag ko sa babaeng kanina pa nakatayo sa 'di kalayuan.
Lumipas ang ilang sandali at nasa kalagitnaan na kami ng byahe.
"Sa hotel na ba ang diretso mo?" tanong ni Jewel.
"Hindi, ihahatid muna kita."
"Hindi mo na kailangang gawin iyon Roie, kailangan mo din namang magpahinga."
Totoo ba ang narinig ko? Concern ba s'ya sa akin? "I should be the one telling you that."
"Ha?"
"Wala ka pa halos pahinga mula nang lumabas ka sa trabaho—"
"Oh s**t!" bulalas n'ya.
Bigla naman n'yang hinalughog ang dala n'yang bag.
"Why are you panicking?" kunot-noong tanong ko.
"I need to inform Sir Ethan. Baka ilang araw akong hindi makapasok."
Hindi naman ako umimik. Pinanood ko lang s'ya sa pagkakalkal ng luma n'yang bag. Mula doon ay inilabas n'ya ang kanyang cellphone. Mukhang tatawag nga s'ya kay Ethan.
"Dead battery?!" aniya. "Hala! Hindi ko pa naman nadala ang charger ko!"
Tumingin naman s'ya sa akin. Uh-oh. Mukhang alam ko na ang mangyayari.
"A-ah, R-roie," aniya na bahagyang nakangiti. "B-baka naman pwedeng makitawag sa'yo."
Umiwas naman ako ng tingin. "No."
"Sige na naman. Saglit lang."
"Ayoko."
"Makiki-text na lang ako," pagpapatuloy pa din n'ya. "Sige na, kailangan ko lang i-inform si Sir Ethan na ilang araw akong mawawala."
Bakit pa? Kaharap naman n'ya ang totoong boss. "No."
"Ang damot mo naman!"
Hindi makapaniwalang napatingin ulit ako sa kanya. "Ako? Madamot?"
"Oo! Madamot ka!" inirapan pa n'ya ako. "Hindi mo naman ikahihirap ang ilang minuto na pagtawag ko!"
Is she for real? "Ako pa talaga ang madamot ngayon?!"
Muli ay inirapan na naman n'ya ako. Bumulong-bulong pa s'ya na hindi ko naman marinig.
"Sumagot ka Jewel!" untag ko.
"Hay!" nag-inat pa s'ya ng katawan. "Grabe, ang dami talagang tao na madamot."
Kulang na lang ay mapanganga ako sa pandededma at pagpaparinig n'ya sa akin. Damn this lunatic
Ipagpapatuloy...