EVERYTHING that happened seemed like a dream to Calley. Kahit ngayong nakauwi na siya’t balik-trabaho na, pakiramdam niya ay para siyang nananaginip. Dahil sino ba naman siya para mahalin ng isang powerful person na nagmamay-ari ng malaking kompanya, gwapo, at higit sa lahat ay hinahangaan ng lahat? Akala ni Calley ay sa drama at novela lang nangyayari ang ganoon, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nobyo na niya ang tulad ni Zack. Aware rin siyang maraming tataas ang kilay at tututol sa oras na malaman ng iba ang kanilang relasyon. Lalong-lalo na ang pamilya ni Zack dahil pumatol ito sa gaya niyang disgrasyada. Ayaw pang isipin ni Calley ang mga possibility na iyon dahil nag-uumpisa pa lang ang relasyon nila ni Zack. Subalit alam naman niyang kahit iwasan niya ito

