Kabanata 4

1622 Words
UMAGA pa lang ngunit napakarami ng guests ng Paradise Island ang nagtse-check in. Ang karamihan ay mga dayuhan na nais makita ang natatanging ganda ng Pilipinas, partikular sa Coron, Palawan. Halos hindi na nga magkanda-ugaga si Calley, Maggy, at Tristan sa pageestima sa mga hotel guest. At kahit iyon pa lang ang pangatlong araw ni Calley bilang receptionist, gamay na niya ang trabaho. Kayang-kaya na niyang sumabay sa dalawang kasamahan. “Good morning, Ma’am, Sir! Welcome to Paradise Island Hotel and Resort,” masiglang bati ni Calley sa dalawang foreigner na sa hula niya ay mag-asawa. Ngumiti naman ang mga ito sa kaniya pagkatapos ay sinabing nais nitong mag-check in ng one week. Wedding anniversary kasi ng mag-asawa at doon nito gustong i-celebrate ang nasabing okasyon. Matapos i-assist ni Calley ang mga iyon, sinipat niya ang anak na si Callyx na kasalukuyang tahimik habang naglalaro ng bola sa isang sulok ng reception area. Napangiti siya dahil talagang napaka-behave nito. “Oh my gosh!” mahinang bulalas ni Maggy habang nakatingin sa entrance ng hotel. Naibaling tuloy ni Calley ang tingin sa babae. “Hala!” si Tristan na nanlalaki pa ang mga mata na animo’y nakakita ng multo. Bakas rin sa mukha nito ang tensyon subalit ngumiti rin kaagad habang nakatingin sa kung saan. “Bakit? Anong mayr'on?” clueless niyang tanong habang palipat-lipat ng tingin sa mga ito. Nawi-wirduhan na rin siya sa ikinikilos ng dalawang kasamahan. Pero hindi siya pinansin ng mga ito, sa halip ay bumaling ang dalawa sa harapan at yumukod. “Good morning, Sir Zack!” magkasabay na bati ni Tristan at Maggy. Nang ma-realize ni Calley kung sino iyon ay natutop niya ang sariling bibig. Oh my god! Ang may-ari ng Sancho Group of Companies! Kaagad niyang ibinaling ang paningin sa kanyang harapan pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makitang wala na ito roon. Bakit naman ang bilis niyang mawala? Buong pagtataka pa niyang inilibot ang paningin sa kabuohan ng lobby. Ramdam din niya ang panghihinayang ng mga sandaling iyon. Curious kasi talaga siyang makita at makilala ang kanilang big boss lalo pa nga’t marami na siyang hindi magandang narinig patungkol dito. “I’m sure may problema na naman kaya biglang sumulpot si Sir Zack,” pakli ni Maggy habang nakaharap sa computer at tumitipa. “Trulalu! Baka may ‘di na naman nagustuhan, girl,” segunda naman ni Tristan habang nakanguso pero kaagad ding ngumiti nang batiin ang isang hotel guest. Dahil sa narinig sa dalawang kasamahan ay lalong nadagdagan ang kuryosidad ni Calley sa hindi pa nakikilalang boss. “Why? Ano bang nangyayari ‘pag nagpupunta rito si Sir Zack?” usisa niya sa dalawa. Buntong-hininga si Maggy habang ang paningin ay nasa screen pa rin ng computer. “Once in a blue moon lang kasi magpunta si Sir Zack...” “And?” si Calley na hindi talaga maintindihan kung bakit nag-aalala ang mga kaibigan dahil bumisita si Sir Zack sa hotel. Ano naman kung magpakita ito roon? At saka natural lang naman para sa isang boss ang bumisita sa pagmamay-ari nito. So what's the big deal? Ganoon ba talaga kasama ang ugali ng Zeus Zachary Sancho na ‘yon para mag-worry ang dalawa? “At ‘pag nagpunta si Sir Zack dito, it means may problema. Maybe tungkol sa hotel o kung saan na may kinalaman sa company.” Si Tristan ang sumagot sa tanong niyang iyon. “Napaka-strict kasi n’yan ni Sir Zack. Marami siyang reklamo tungkol sa management, lalo na sa pamamalakad ni Sir Zayne. Palibhasa, siya ang big boss. Kaya nga madalas din mag-away ang magkapatid e. Sayang, ang ya-yummy pa naman,” singit pa ni Maggy sa usapan pagkatapos ay ibinaling ang atensyon sa isang papalapit na guest. “At kaya kami worried ni Maggy dahil sure na magpapatawag naman ng general meeting si Sir Zayne. Jusko! Nakakaloka pa naman ang meeting ng Lolo mo. Nakaka-suwangit sa sobrang haba,” mahinang dagdag pa ni Tristan sabay tirik ng mga mata. “I see. Kaya naman pala,” tumatangong saad ni Calley sabay sulyap sa kanyang anak na noon ay busy pa rin sa paglalaro ng bola nito. Napangiti pa nga siya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang inosenteng mukha ng anak. Sa t‘wing nakikita kasi niya ang maamong mukha nito parang bigla-bigla, nawawala ang kanyang pagod at alalahanin sa buhay. “Calley, tumawag si Sir Zayne. Pumunta ka raw sa office.” Naputol ang paglalakbay ng diwa ni Calley nang marinig niya ang sinabing iyon ni Maggy, at saka kunot-noo niya itong nilingon. “Bakit daw?” “I dunno. Urgent daw e.” “Oh my gosh! Baka pagagalitan ka or bibigyan ng memo, girl?” singit naman ni Tristan sa kanila. Halatang nagbibiro. Napanguso si Calley sa sinabing ‘yon ni Tristan. “Ang sama mo bakla.” Pero tinawanan lang siya ng bruha at saka nag-peace sign. “Joke lang. Sige na gorabels ka na. Kami nang bahala sa super cute mong junakis,” pagtataboy pa nito. Mabilis namang tumalima si Calley. At bago pa niya tuluyang iwan ang anak ay binilinan pa muna niya itong ‘wag aalis sa pwesto. Matapos niyon ay kaagad niyang tinungo ang elevator. Nasa third floor pa kasi ang private office ng kanilang CEO. Nang marating ang employees elevator ay sandali pa muna siyang naghintay dahil ayon sa monitor ay pababa pa lang ito. May ilang minuto rin siyang naghintay kasama ang ibang pang empleyado nang bumukas iyon. Subalit pakiramdam ni Calley ay tumigil ang pagtibok ng kanyang puso at gumapang ang kilabot sa kabuohan niya nang salubungin ang kakaibang tingin ng isang lalaki na lumabas mula sa elevator. At kahit seryoso ang anyo ng lalaki, hindi mapagkakailang napakagwapo nito. Mula sa deep-set almond eyes na kay lalim kung tumitig, maliit at matangos na ilong, may kakapalang labi ngunit mamula-mula, dark brown wavy hair, ay masasabi niyang ito na yata ang pinakagwapong nilalang na nakita niya sa tanang-buhay. Nakadagdag pa sa charisma nito ang pagkakaroon ng clef chin na talagang bumagay dito. Kakatwa nga lang ang bihis nito dahil nakasuot ito ng all black na sweat shirt at pants. Para tuloy itong si Edward Cullen sa pelikulang ‘Twilight’ dahil litaw na litaw ang kaputian ng lalaki dahil sa kulay ng suot nito. “Good morning Sir Zack,” bati ng mga empleyadong kasabay ni Calley. Ngunit bago pa niya iyon ma-realize, nawala na ang lalaki sa paningin niya. Kung ga'non, siya si Sir Zack? “GOOD morning, Calley. Please, have a sit,” pormal na bati sa kaniya ni Sir Zayne pagpasok niya sa private office nito. Iminuwestra pa ng CEO ang swivel chair na katapat ng kinauupuan nito. “Good morning, Sir Zayne,” ganting-bati naman ni Calley saka mabilis na tumalima kahit pa nga bahagya siyang nanibago sa kaharap. Wala kasi itong kangiti-ngiti habang nakatingin sa kaniya, ‘di tulad noong una niya itong makaharap. Obvious na wala ito sa mood ng mga oras na iyon. Mukhang totoo nga ang sinabi sa kaniya ni Maggy at Tristan. Marahil ay nagkaroon na naman ng alitan ang magkapatid. “I’m sorry to say this, Calley, but I have to give you a memo.” Sa narinig ay hindi mapigilang magulat ni Calley. May nalabag ba siyang company policy? Pero alam niyang imposible iyon. Binasa niya ang booklet na ibinigay sa kaniya noong orientation, kung saan nakasaad ang patakaran ng kompanya. “Don’t worry, reminder lang naman ito,” maagap pang dagdag ng lalaki. Marahil ay napansin nito ang pagkagulat niya. “But why, Sir Zayne? Ano po ang rules na nilabag ko?” clueless na tanong ni Calley sa kaharap. Wala siyang maisip na posibleng dahilan para makatanggap siya ng ganoon. Wala siyang nilalabag na rules dahil kabisado niya ang company policy ng pinapasukan. Kaya hindi siya makapapayag na basta na lang makatanggap ng memo. Wala pa siyang one week kaya hindi ‘yon maganda para sa record niya. Bumuntong-hininga ang lalaki saka isinandal ang likod sa swivel chair at pinagsakilop ang dalawang palad. Bakas din sa anyo nito na hindi rin ito sang-ayon sa nangyari. “I’m sorry, Calley. Kung ako lang ang magsusunod, palalampasin ko na ‘to, pero ang big boss ang nagbigay ng memorandum sa‘yo,” hinging-paumanhin pang muli ni Sir Zayne sa kaniya. Napasinghap si Calley dahil sa nalaman. Kung ganoon, ang lalaking iyon pala kanina ang nagbigay sa kaniya ng memo. Pero bakit? Ano ba ang nagawa niya rito? Kaya ba masama ang tingin nito sa kaniya kanina? “Ano po ba ang offense ko, Sir Zayne? Sa pagkakaalam ko po, wala akong nilabag na company policy,” pangangatwiran pa ni Calley sa kanilang CEO. Gusto talaga niyang malaman kung bakit siya nakatanggap ng memorandum mula sa Zeus Zachary Sancho na iyon gayong wala siyang naaalala na nakausap na niya nito. Kanina lang niya ito nakilala at nakita ng personal. Bukod pa roon, hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon ka-weird ang epekto sa kaniya nang makita ang lalaki. Hindi niya naman ito kilala. “May sariling rules ang Kuya ko na pati ako ay ‘di maintindihan, Calley. I’m sorry, ” naiiling namang sagot ni Zayne sa kaniya. Halatang hindi rin nito gusto ang ugali ng nakatatandang kapatid. What the heck? May sariling rules? Sa naisip ay umahon ang bahagyang inis sa kanyang dibdib. Na-realize rin niyang totoo nga ang sinabi ni Maggy at Tristan sa kaniya na hindi maganda ang ugali ng kanilang big boss. Sayang! Gwapo pa naman pero kabaliktaran ang ugali! “According to him, you entered the restricted area of the resort kung nasaan ang private cottage n'ya at naistorbo mo raw ang kanyang pamamahinga.” TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD