“Wow! You're so beautiful, bruh!" Hindi mapigilang mapangiti ni Calley nang marinig ang compliment na iyon mula kay Maggie pagkatapos siya nitong ayusan. Maging siya ay hindi makapaniwalang siya ang nakikita niya sa salamin. Magaling mag-makeup si Maggie kaya na-enhanced nito ang kanyang itsura. Siya kasi ay walang hilig sa pagme-makeup kaya hindi rin siya nag-aral kung paano gumamit niyon. Lipstick at face powder lang ang tanging alam niyang ilagay sa mukha. Pinagmasdan ni Calley ang itsura sa harap ng vanity mirror habang nakangiti. Nakaladlad ang itim at mahaba niyang buhok na bahagyang kinulot ang dulo, at ang tanging palamuti roon ay isang white hair clip. Naka-makeup din siya pero light lamang iyon dahil gabi naman. Ang suot naman niya ay isang white off-shoulder dress na hanggan

