"WHO ARE YOU?" Hindi kaagad nakahuma si Calley mula sa kinatatayuan dahil bigla siyang nakaramdam ng intimidasyon mula sa kaharap na ginang. Seryoso ang anyo nito at matalim ang mga mata habang pinapasadahan siya ng tingin. Nakaramdam tuloy siya ng matinding kaba ng mga sandaling iyon. "Hello po. I'm Calley-" "Calley is that you?" naputol ang sanay sasabihin ni Calley nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon mula sa loob ng kwarto. "Do you know her, son?" balik-tanong naman ng ginang. Son? Ang sopistikada at eleganteng ginang palang ito ang ina ng kanilang CEO. Lihim tuloy niyang pinasadahan ng tingin ang ginang subalit malayo ang pagkakahawig nito sa kanilang CEO. Maganda ito subalit may matapang itong anyo dahil sa mga mata nitong tila laging naniningkit. Manipis din ang kilay n

