“CAN I dance with you, Calley Trinidad?” Magkahalong kaba at curiosity ang nadarama ni Calley para sa lalaking kaharap. Nang magsalita ito, tinig ni Zack ang kanyang narinig. Ikaw nga kaya si Zack? clueless niyang tanong sa isipan. Ang posibilidad na baka nga iyon ang lalaking iniisip niya, ay nakapagdulot sa kan'ya ng kakaibang kilig. Bakit naman ako kinikilig? Wala naman akong gusto sa kan'ya... Wala nga ba? sabat naman ng munting tinig sa kanyang isipan. Hindi siya makaapuhap ng isasagot sa tanong na iyon. Paano siya magkakagusto sa lalaking 'yon na ilang beses na siyang pinag-isipan ng hindi maganda? Tumatanaw lang siya ng utang na loob dahil binigyan nito ang kanyang anak ng tagapag-alaga. Iyon lang ang nararamdaman niya sa binata, sigurado siya roon. “Okay, si Callyx na lang an

