September 28, XXXX (Day 5)
"AAH!" sigaw ko pero may unan ang mukha ko para hindi makabulabog.
Nakakainis! Nakakainis! Sana sunduin na kami ni Tita Thallia sa bahay bakasyunan na ito. Puro kamalasan nalang ang nangyayari sa akin. Hindi naman nangyayari 'yung gustong mangyari ni Tita Thallia. Oo nga, nakikilala ko na ang anak niya, puro naman ka manyakan, kabastusan at sama ng ugali ang nakikita ko sa kanya. Argch! Gusto ko nang umalis dito sa impyernong bahay na ito.
Naririnig ko na naman siyang kumakatok sa pinto. Sa paraan nang pagkatok niya ay nararamdaman kong naiinis na siya. Kasi kulang nalang ay sirain na niya 'yung pinto dahil sa pagkatok niya ng malakas. Imbes na mas makaramdaman ako ng takot dahil sa ginagawa niyang iyon ay mas matimbang 'yung nararamdaman kong inis sa kanya.
Bahala ka sa buhay mo, halimaw! Mas gugustuhin ko pang magkulong dito kaysa makita ka at makasama ka. Argch! Kung may pera lang ako, kung may ipang-aabono lang ako. Ibabalik ko ang 1 Million na binayad sa akin ni Tita Thallia nang makabalik na ako sa bahay para makasama sila Mama Mira, Catherine at Papa Simon.
"Lumabas ka na diyan pangit! Kung ayaw mong wasakin ko ang pintong ito!" sigaw ni halimaw na may kasama pang pagbabanta.
Sus! Nanlait pa! Hinding-hindi ko 'yan bubuksan!
Wala na akong pakialam kung wasakin man niya ang pinto ng kuwarto ko. Dahil hindi naman sa akin ang bahay na ito, sa kanila kaya ang bahay na ito. Kaya hindi kawalan sa akin kung sirain man niya iyan.
"Bubuksan mo ba ito o hindi!" lalo pang lumalakas ang sigaw ni Halimaw. Halata sa boses niyang inuutusan niya ako na para bang siya ang boss sa lugar na ito.
"Neknek mo! Hindi ako papauto sa iyo!" sabi ko habang nakatingin sa pinto.
Bahala ka kung wasakin mo iyan!
Inilagay ko ang earphone ko sa magkabilang tainga ko at nagpatugtog gamit ang cellphone na bigay ni Tita Thallia.
( You're the one that never lets me sleep
To my mind, down to my soul you touch my lips. )
Sinabayan ko nang pagkanta ang pakikinig ko ng music. Nang matapos na ang isang kanta ay nagulat ako nung may magtanggal ng earphone ko.
"Hoy! Ano bang ginagawa mo!" sigaw ko.
"Kanina pa ako katok nang katok sa pinto at sumisigaw na buksan mo ako! Malalaman ko nalang na nandito ka sa kama mo at nakikinig ng music tapos may pakanta-kanta ka pang nalalaman. Tsk!" sinigawan pa ako ng halimaw na itinuro pa ang pinto.
Napatingin ako sa pinto ng kuwarto na wasak na. Napataas ako ng isang kilay ko nang makitang wasak na ang pinto. Talagang mas matimbang talaga 'yung inis ko ngayon. Dahil kung hindi ay dapat nangangatog na ako sa takot sa ginawa niyang 'yon na sapilitang pagpasok ng kuwarto ko.
So, tinototoo niya nga? Halimaw nga talaga siya. Hindi ito magagawa ng simpleng tao. Waaah! Nakakatakot siya! Tita Nathallia, sabi ninyo half halimaw siya? Hindi ninyo naman sinabi na pure halimaw siya.
"Ano bang kailangan mo? At inistorbo mo pa ako. Tsk!" mataray na sabi ko. Hindi ko pinakita na nakakaramdam na ako ng takot.
"Nagugutom na ako! Hindi na nga ako nakapag-dinner kagabi at lunch ngayon. Gusto ko ng kumain ngayon, three P.M. na!" sigaw pa niya.
Gutom ba 'yan? Hindi kayang manigaw ng taong gutom. Lokohin niya ang taong lasing, huwag lang ang taong walang pakialam. Ano daw?
"May mga ready to eat doon. Ayon nalang kainin mo." sagot ko sabay irap sa kanya.
May mga ready to eat naman talaga na pagkain sa kusina. Bakit ako ang inaabala ng halimaw na ito?
"Ayoko! Mas gusto ko ang luto mo kaysa sa mga ready to eat na pagkain na 'yon. Please, magluto ka na." mahinang sabi niya.
Nagulat talaga ako matapos kong marinig ang please niya.
Tama ba ang naririnig ko? Nagpi-please ang halimaw na ito? Hindi ba ako nabibingi?
"Ha?" para akong tanga na napa-ha?
"I said, please pangit ipagluto mo ako. I'm hungry." sabi niya na parang conyo na ewan.
Tss! Mapapapayag na sana ako, nanlait pa siya. Tsk!
"Okay fine! Halimaw." tumayo na ako sa kama at padabog na naglakad papuntang kusina.
Akala mo ikaw lang may karapatan na manlait. Tsk! Pero hindi ito panlalait dahil totoo namang halimaw siya. Psh!
Nagluto ako ng kare-kare, pininyahang manok at sinigang na baboy. Gumawa rin ako ng salad at inilagay sa isang lalagyan. Para puwedeng kumuha ng salad anytime. Tamang-tama ang dami ng pagkain na parang pang 15 na katao na. Gutom na rin ako.
"Oh, ayan! Kumain ka na. Pakabusog ka." sabi ko bago umupo.
Nagdasal muna kami bago kumain. Halos malaglag ang panga ko nang makita ang matakaw na pagkain niya.
Tofu! PG na yata ito. Teka, patay ako nito. Ginutom ko ang anak ni Tita Thallia. Paano kapag nalaman niya? Baka kung anong gawin sa akin.
Pinapanood ko lang ang halimaw na kumain ng may bigla akong naalala.
Parang.. parang.. successful pa yata 'yung first move ko. 'Yung mapapa-inlove o makukuha mo ang isang lalaki sa pamamagitan ng pagkain?
"Culinary ba ang natapos mo pangit? Ang sarap ng luto mo." compliment niya na nakuha pang sabihan ako ng pangit.
Tsk! Matutuwa na sana ako na pinuri niya ang luto ko tapos bigla akong lalaitin. Lakas din ng halimaw na ito. Saan kaya ito pinaglihi ni Tita Thallia? Mukhang pinaglihi siya sa species na napapanood kong Horror. Ang kaibahan lang, hindi siya 'yung halimaw na nakakatakot. Siya kasi 'yung halimaw na nakakaasar, nakakainis, nakaka-badtrip!
"Hindi, hindi ako nakapag-college matapos mamatay ng parents ko. Marunong magluto si Mommy kaya sa kanya ako nagmana." sagot ko na biglang napapiyok.
Naalala ko na naman ang biological parents ko. Mabuti nalang nagkaroon ako ng tumatayong parents ko sa pamilya ni Mama Mira.
"Sorry."
Nagulat ako dahil nag-sorry siya at tahimik na kumain. Tiningnan ko nalang siya at tinapos ang pagkain ko. Hindi ko maiwasan na ma-touch sa pag-sorry niya.
Marunong din palang mag-sorry ang isang ito.