October 12, XXXX (Day 19) Habol-hininga akong umupo sa bench dahil sa sobrang pagod na tumakbo sa malawak na field. Mukhang papahirapan kaming lahat ngayong araw. “Ha! Grabe na talaga, daig ko pa mga manlalaro ngayon. Feeling ko may napaka harsh na training ako ngayon.” reklamo ko habang binubuksan ang takip ng bote ng mineral water na kinuha ko sa bag ko na nasa gilid lang ng bench. Hindi ko alam anong naisip ng P.E. Professor namin para patakbuhin kami sa malawak na field. Samantalang hindi kami na inform lahat. Para sana nakapaghanda ako at hindi ganitong nabigla ang katawang lupa ko. “Okay ka lang ba, Yuuki?” nag-aalalang tanong ni Reito sa akin habang nagpupunas ito ng pawis gamit ang puting face towel nito. Umupo ito sa bench sa kanang gilid ko. Grabe, tumakbo ba iyan sa lagay

