October 19, XXXX (Day 26) *Yuuki Shane points of view* "Lola?" gulat na sambit ko nang makita ko siya na nasa labas ng sasakyan. Si Darren ay bumalik muna sa loob ng bahay para kunin ang bagay na pinapasuyo sa kan’ya ni Tita Thallia. Kaya naman ako ang naiwan dito sa loob ng sasakyan. Binaba ko ang bintana ng sasakyan para makausap ang matanda. "Lola, bakit po kayo nandito? Paano kayo nakapasok? Kilala ninyo ba ang may-ari ng bahay na ito? Kilala ninyo rin po ba ako?" sunod-sunod na tanong ko. Ngumiti sa akin ang matanda pagkatapos ay nag-iba ang expression ng mukha niya. Naging worried ito at para bang may kung ano siyang pinoproblema. "Mag-ingat ka, hija. Ang pag-ibig ay hindi maaaring dayain at hindi maaaring linlangin. Huwag kang gagawa ng bagay na sa huli ay pagsisisihan mo." sa

