Chapter 02 :

913 Words
September 25, XXXX (Day 2) HANGGANG ngayon ay dina-digest ko pa ang sinabi ni Ma'am C.E.O.. Ipinakilala niya ako sa mga kasambahay niya bilang bisita, na anak ng kanyang kaibigan noong College pa siya. Kaya pala tinawag akong Ma'am ni Ate Amy na ikinataka ko. Si Ate Amy 'yung naka-uniform na pinagtanungan ko kahapon. Galit na galit ang anak ni Ma'am C.E.O. dahil sa pag-alis ng musical instruments nito sa katabing kuwarto nito. 'Yung kuwarto na kasi 'yon ang pansamantalang tutuluyan ko. Wala akong dinalang damit dahil sabi ni Ma'am C.E.O.. Kailangan ko ng maganda at bagong damit kaya binilhan niya pa ako. "Ang laki talaga ng kuwartong ito, talo pa ang laki ng bahay namin." sabi ko habang inililibot ko ng tingin ang buong kwarto. Kakagising ko lang pero hindi ko alam kung lalabas ba ako o mamaya nalang. "Kailangan ko na sigurong maligo, nakakahiya naman na humarap kay Ma'am C.E.O. na hindi bagong ligo." pumunta na ako ng banyo na nasa loob lang ng kuwarto. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo sa shower. Sinabon ko ang buo kong katawan ng dalawang beses. At nagbanlaw ng maayos para preskong-presko ang katawan ko. Ang sarap ng tubig at ang sarap din magbabad kaso sayang ang tubig. Sa dati naming bahay, nag-iigib pa kami sa poso o hindi naman kaya sa balon. Ang mahal kasi magpa-deliver ng tubig na ang isang drum ay 100 pesos. Piso nga mahalaga na para sa amin, 'yun pa kayang 100 pesos. Pinatay ko na ang shower at nagtapis ng tuwalya. Nakalimutan kong magdala ng damit sa loob ng banyo. Tulad ng madalas kong gawin kapag naliligo ako ay dinadala ko na ang damit pamalit. Paglabas ko ng banyo ay napatalon ako nang makita ko siya. "Ah, Eh, Anong maipaglilingkod ko?" tanong ko na mahigpit na nakakapit sa tuwalya para hindi matanggal ang pagkakatapis nito sa katawan ko. Hindi niya ako pinansin. Sa halip ay tinalikuran niya ako kaya napailing nalang ako. Sayang! Ang guwapo niya sana kaso snobber. Psh! Ibang-iba talaga ang ugali niya sa Mommy niya. Nagulat ako ng mapansin ko na umuulan ng underwears sa loob ng kuwarto ko. "Bakit ang daming panty at bra na nakakalat?" mahinang tanong ko sa sarili ko. Sinundan ko kung saan ito galing at napatakbo ako papunta sa kanya. "Te-teka! Ano bang ginagawa mo?" tanong ko habang pinipigilan siya sa paghila ng mga underwears na nasa isang malaking drawer. "Huwag kang mangailam!" galit na sabi niya sabay tulak sa akin kaya napaupo ako sa sahig. Aray ko! Ang butt ko ang sakit. Hindi lang pala ito halimaw, may pagkasadista rin pala. Tsk! "Yuuki, tara na sa—Nathaniel James!" Napatakip ako ng magkabilang tainga ng sumigaw mula sa kabubukas na pinto si Ma'am C.E.O. Hindi siya nito pinansin sa halip ay patuloy lang ito sa paghila ng mga underwears na binili ng Mommy niya para sa akin. "Nathaniel! Pinagnanasaan mo ba si Yuuki?" galit na galit na tanong ni Ma'am C.E.O. ng makalapit sa puwesto namin. "Are you out of your mind Mom? Yuck! Siya?" dinuro niya ako gamit ang kanang hintuturo. "Pagnanasaan ko? No and never!" malakas na sabi niya kasabay ng paghagalpak ng tawa. Para akong napahiya at pakiramdam ko may natapakan siya sa akin nung sabihin niya iyon. May parang kurot akong naramdaman sa puso ko. Bakit? Parang nasaktan ako sa sinabi niya? Bakit parang may kung ano sa pagkatao ko ang natapakan niya? Isang malakas na sampal ang narinig ko. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang aking bibig. Nang masaksihan ko ang pagsampal ni Ma'am C.E.O. sa anak niya. "Hindi kita pinalaking bastos at walang modo, Nathaniel!" mariin at malakas na sabi pa ni Ma'am C.E.O. matapos sampalin ang kanyang anak. "So what! Pakialam ko ba!" sigaw ni Nathaniel. Nathaniel James Grear, parang isang prinsipe pero may pagkahalimaw ang dating. Tama bang sagutin ng ganoon ang kanyang ina? Baliw na ba siya? O nasisiraan na ng ulo? Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig matapos akong itulak ni Nathaniel. Kailangan masanay akong tawagin siyang Nathaniel. Baka makasanayan ko na tawagin siyang Halimaw. "Tita Thallia, okay lang po ako. Hayaan ninyo na po." pakiusap ko. Hinawakan ko siya sa kanyang braso para sana pakalmahin ito. Kailangan Tita Thallia ang itawag ko kay Ma'am C.E.O. para hindi maging palpak ang mga plano niya. Pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi mailang at makaramdam ako ng hiya. "Psh!" padabog na umalis si Nathaniel at saka malakas na sinarado ang pinto. "Nahihiya ako sa iyo Yuuki, sa inasal ng anak ko." nahihiyang sabi ni Tita Thallia. "Wala po 'yon. Teka lang po, magbibihis po muna ako." kumuha ako ng underwear at damit sa cabinet. Mabilis akong pumasok ng banyo at nagpalit ng damit. Paglabas ko ay nakita ko si Ma'am C.E---ay Tita Thallia pala na nakaupo sa kama. Dahan-dahan kong pinulot ang mga nagkalat na underwears. "Sila Amy na ang bahala diyan. Tara na sa baba." tumayo siya sa kama at lumapit sa akin. Kinuha niya ang mga nadampot kong underwears at itinabi ito sa may kama. "Lalamig na ang breakfast, Yuuki, tara na sa baba." sabi niya kaya sumunod nalang ako. Medyo nahihirapan akong mag-adjust dahil walang kibo kaming kumain ng breakfast. Nakasanayan ko na kasi kay Mama Mira ang nag-uusap habang kumakain. Mayaman nga sila pero kulang sa pagmamahal. Kailangan masimulan ko na ang dapat kong gawin. Bukas ay magsisimula na ako. Dalawang araw na ang nasayang ko. May 98 days pa ako para gawin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD