Chapter 07 :

1038 Words
September 30, XXXX (Day 7) SA HINDI malamang dahilan ay nagising ako kahit hindi naman masama ang panaginip ko. "Anong oras na ba?" kinapa ko ang kamang tinutulugan ko para hanapin ang cellphone ko. Dahan-dahan kong binuksan ang dalawang mata ko at tiningnan ang screen ng cellphone. Huh? 3:46AM? Ang aga ko naman magising. Napabangon ako ng kama dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw. Kaya naman naisipan kong pumunta sa kusina. Habang papunta ako ng kusina ay panay ang inat ko ng katawan. Mukhang nabigla yata nung umakyat ako ng puno ng mangga kahapon. Idagdag pa 'yung ginawang pagbuhat sa akin ni halimaw na akala mo isa akong kaban ng bigas. "Katapusan na pala, September 30 na pero nandito pa rin kami? Pang pitong araw ko na yata. May 93 days pa naman akong natitira para gawin ang trabaho ko. Sana bumilis na ang oras ng matapos na ito." sabi ko ng mahina na parang sira ulong kinakausap ang sarili. Hindi ko na binuksan ang ilaw ng kusina dahil medyo maliwanag pa naman na nagmumula sa liwanag ng salas. Hindi kasi pinapatay 'yun ni halimaw dahil madalas siyang nakatambay doon hanggang sa antokin na ito. Minsan pa ay doon na yata ito nakakatulog at pupunta lang ng kuwarto kapag naalimpungatan sa madaling araw. Kumuha na ako ng bottled mineral water sa refrigerator. Dahil masyadong mayaman sila ay puro ganoon ang mga tubig nila. Hindi tulad sa bahay ni Mama Mira na gripo lang sapat na. Kunsabagay dati naman noong buhay pa sila Mommy at Daddy mayaman naman kami kahit papaano. Pero parang mas gusto ko ang buhay mahirap. Dahil mas masarap makuha ang isang bagay na pinaghihirapang makuha. Hindi ko naman sinabi na pangit maging mayaman pero tulad ng sabi ko. Para sa akin mas gusto ko ang pagiging mahirap. Dahil naa-appreciate ko ang munti at simpleng mga bagay. Binuksan ko na ang bote ng mineral at nagsimula ng uminom. "Painom!" may biglang umagaw ng mineral na iniinom ko. "Susme! Akin 'yang mineral!" sigaw ko sa kanya. "Aray! Pangit huwag ka ngang sumigaw." sabi niya matapos ubosin ang mineral ko. "Halimaw ka na nga mang-aagaw ka pa!" iritang sabi ko na kumuha ng panibagong tubig sa refrigerator sabay irap sa kanya. Kahit na alam kong 'di niya nakita ang ginawa ko dahil hindi naman bukas ang ilaw sa kusina. Mukhang mamamatay ako ng maaga dahil sa kanya! Sobra talaga siyang nakakaasar at nakakainis! Kotang-kota na talaga siya sa akin. Kaunti nalang ay ubos na ang pisi ng pasensya ko. Padabog akong bumalik sa kuwarto ko at iniwan siyang mag-isa sa kusina. Sa susunod na gawin niya 'yon, papagulpi ko talaga siya sa mga kilala kong tambay. Tsk! Pagkatapos kong uminom ng tubig ay bumalik na rin ako sa pagtulog para ma-release ang inis na nararamdaman ko. Dahil hindi ko gusto na maging rason siya kung bakit wala pa rin akong tulog kung sakali. Inis na inis ako dahil sa pinaggagawa nitong halimaw na ito. Sarap isabit sa puno at gawing display. Kainis! "HOY! halimaw! Umalis ka nga diyan!" naiiritang sabi ko na sinasamaan siya ng tingin. Kanina ko pa siya pinapaalis pero ang loko ay mukhang enjoy na enjoy sa kanyang ginagawa na akala mo ay pagmamay-ari niya ako para gawin ito sa akin. "Mas gusto kong matulog dito." sabi niya na ikinainis ko. "Wow, ha! For your information hindi unan ang hita ko! Kaya lumayas layas ka nga diyan!" sabi ko habang ginagalaw ko ang hita ko. "At kailan pa tayo naging close para gumanyan ka sa akin, ha?" dagdag ko pa. Kainis! Sarap niyang argch! Ipakain sa lion. Gustong gusto ko siyang sapakin ngayon pero hindi ko magawa dahil ayoko namang bugbog sarado siyang babalik ng mansyon pagkatapos naming mag-stay dito. "Ayoko!" mariing sabi niya na ayaw umalis sa hita ko. Parang bata na isiniksik pa ang sarili sa akin. "Hoy Halimaw! Umalis ka nga! Asar naman, oh!" badtrip na badtrip na sabi ko dahil nakakaramdam na ko ng kakaiba. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Dagdag pa ng kaba ko ay nasa hita ko siya nakahinga habang nakapikit. Parang kung titingnan ay mukha kaming couple na dalawa kahit naman hindi. "Ayoko, baka umalis ka na naman. Ayoko ngang magutom." sabi niya na pinabigat pa ang ulo niya para lalong bumigat. "Asar! Sarap mong tadtarin at lagyan ng asin." sabi ko na inis na inis. Kaasar naman. Itulak ko na kaya siya. "Itong bagay sa'yo halimaw!" sabi ko sabay tulak sa kanya. Bahala na si batman basta kailangan kong lumayo na sa kanya. "Hoy Pangit!" sigaw niya na kumapit pa sa akin kaya pareho kaming nalaglag sa sofa. Anak ng tofu 'yan, oh. Ang sakit ng noo ko parang tumama sa matigas na bagay. Pagmulat ng mata ko ay napabangon at tayo ako ng straight. Shocks! "Hindi mo ba ako tutulungang tumayo?" tanong niya na nasa sahig pa rin. "Malaki ka na, kaya mo na 'yan." sabi ko sabay talikod sa kanya. Bakit matigas ang chest ni halimaw? Hindi kaya... halimaw na robot siya? Nakarating ako ng kuwarto ko habang lutang na nag-iisip kung bakit matigas ang chest ng halimaw na 'yon. "Teka nga, bakit ko nga ba pinoproblema 'yung chest niya? Tsk!" sabi ko na hinampas-hampas ang unan ko. Bigla kong naalala 'yung nangyari nakaraan kung saan pinasadahan ko siya ng tingin. Parang nanlambot ako at nag-init ang mukha ko dahil sa nai-imagine ko ang topless niyang katawan. "Aah!" sigaw ko ng malakas para mailabas lahat ng emosyon na nararamdaman ko. Sumigaw ako nang sumigaw hanggang sa mapagod ako. Nang maghahabol hininga na sana ako ay may biglang kumalabog ng malakas. Patingin ko sa pinto ay bukas na ito at iniluwa si halimaw. "Are you all right, pangit?" tanong niya habang may sabon pa ang katawan at may bula pa sa buhok habang nakatapis lang ng tuwalya. Napalunok-laway ako ng makita ang perpektong abs niya na medyo makintab gawa ng basa ang katawan niya. Mukhang naliligo pa ito at napatakbo lang papunta sa kuwarto ko para malaman kung anong nangyari sa akin. "Kyaa!" tili ko ng malakas. "Labas!" hiyaw ko sa kanya. Imbes na makabawi ako ng hangin ay malalagutan pa yata ako ng hinga dahil sa katawan niya. Mukhang pinapamadali niya ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD